Mga bagay na maaaring hindi mo alam ukol kay Imelda Marcos

Maluho. Mabulagsak. Imeldific. Ayaw o gusto mo man siya, naging malaki ang impluwensya ni Imelda Marcos sa kultura ng mundo.

Imelda

There's more to Imelda Marcos than just her shoes. Source: Getty Images

Higit pa sa kanyang pangalan si Imelda Marcos. Higit pa siya kaysa sa kanyang pagiging dating Unang Ginang. Higit pa siya kaysa sa kanyang pagnanasang makamtan ang kapangyarihan.

Isa siyang pang-kulturang pigura; isang simbolong may iba't ibang kahulugan para sa iba't ibang tao mula sa iba't ibang paniniwala at partido.

Oo, at higit pa siya sa kanyang 3,000 na sapatos, at ito ang ilan pang mga kwentong nailantad ukol sa kanya:

1. Pagbibihis ng marangya para sa mahihirap.
Imelda fashion
“Never dress down for the poor. They won’t respect you for it. They want their First Lady to look like a million dollars.” Source: AAP Image/AP Photo/Pat Roque
Hindi naniniwala si Imelda Marcos na mas magiging malapit siya sa mahihirap kung magsusuot siya ng murang damit.

Saad niya, "Never dress down for the poor. They won't respect you for it. They want their First Lady to look like a million dollars."

At sa kaso niya, malamang ganon nga kamahal ang suot niyang damit.

2. Naghihintay ang langit.
Imelda praying
"God is love. I have loved. Therefore, I will go to heaven." Source: AAP Image/EPA/ROLEX DELA PENA
Nang makausap niya si Pope Paul VI, saad ni Imelda Marcos,  "God is love. I have loved. Therefore I will go to heaven"; at ang sinagot naman ng santo papa ay "Oh, how wonderful, how childlike."

Oo, sinabi niya yun. Oo, malaki ang tiwala niya sa kanyang sarili. At oo, ang galing sumagot ng santo papa.

3. Pagmamahal ng mga diktador.
TO GO WITH Philippines-politics-Marcos-I
Dictators heart Imelda. Source: NOEL CELIS/AFP/Getty Images
Hindi lang ang asawa niyang si Ferdinand Marcos ang diktador na nabighani sa kanya.

Kilala dahil sa kanyang kagandahan, nabighani ni Imelda Marcos ang mga lider gaya nina Saddam Hussein, Fidel Castro at Chairman Mao Zedong. Napakita din niya na higit pa sa kanyang kagandahan, matalino siya at kaya niyang makipagsabayan sa kanila.

4. Pagbibihis ng pambabae ng mga heneral.
Dress
Dresses instead of military garb. Source: Pexels
Ayon sa mga dokumentong inilabas ng WikiLeaks noong 2013, ipinagdiwang daw ng mga Marcos ang kaarawan ng pangulo sa 1973 ng dalawang araw.

Saad ni William Sullivan, isang American Foreign Service officer, nadismaya siya sa pagpilit diumano ni Mrs Marcos sa mga heneral na magbihis ng pambabae. Ayon kay Mr Sullivan, "Every aspect of the occasion was too much, too long and in questionable taste."

Pinilit daw ni Mrs Marcos sila General Fabian Ver na magsuot ng mga hula skirt at bra.

5. From the beaches of Australia.
Bondi Beach
Australian white sand is worth the trip. Source: Pixabay
Noong 1979, may gaganapin daw na pagsasalo sa isang beach resort sa Pilipinas na pinamumunuan ni Imelda Marcos. Hindi masaya si Mrs Marcos sa kawalan ng puting buhangin sa baybay kaya't nagpakuha daw siya nito sa Australya.

Ngunit, mabalik nga tayo sa mga sapatos niya -
Imelda shoes
If the shoe fits... Source: TED ALJIBE/AFP/Getty Images
Nasaan na nga ba ang mga ito ngayon?

Magugulat kang malaman na higit sa 1,000 ng mga ito ang nasira dahil sa anay, amag, tulo mula sa bubong at kapabayaan.

Pinadala ang mga ito sa National Museum, ngunit dahil sa di-mainam na pag-imbak, nasira ang mga ito.

BASAHIN DIN
Follow SBS Filipino on Facebook 


Share

3 min read

Published

Updated

By Nikki Alfonso-Gregorio




Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand