Nauunawaan umano ng Embahada ang pagdami ng mga nangangailangan ng serbisyo dahil sa pagkaantala ng Consular Mission noong 2020 dala ng pandemya.
Dahil dito, magdadagdag ang Embahada ng 100 slots sa July 17 para sa mga expired na ang pasaporte.
Iaanunsyo sa Philippine Embassy website ang proseso ng booking ng appointment para sa 100 slots sa Biyernes, June 11, ganap na 10am (AEST).
Umaasa ang Embahada sa pang-unawa ng mga kababayan. Marami umano sa kanilang tauhan ang maitatalaga sa Brisbane para sa passport service kaya nais nilang matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan sa tulong ng Mobile Consular Mission na hindi nasasakripisyo ang operasyon sa Philippine Embassy sa Canberra.
Sinisiguro ng Embahada na maipaparating sa publiko ang kanilang serbisyo alinsunod sa mga travel at health regulations ng Australia.
Para sa mga hindi pa expired ang pasaporte
Kung hindi pa expired ang passport, mag email muna sa passport@philembassy.org.au o sa Philippine Consulate General sa admin@qldphilconsulate.com para makapag-apply ng passport extension ng isang taon. Gawin ito isang buwan bago ang expiration ng passport.
Para naman sa expired na ang pasaporte, nagpapatuloy ang passport renewal sa Philippine Embassy sa Canberra at Philippine Consulates General sa Sydney at Melbourne maliban sa panahon ng lockdown at holidays.
Para sa iba pang paglilinaw, mag email sa mobilemission@philembassy.org.au
