Sa kanyang liham na ipinadala kay Pangulong Duterte, isinulat ni Ms Uson, “I do not wish to cause such burden to the office, hence I am hereby notifying you of my resignation effective.”
Si Ms Uson, isang kapanig ni Duterte, ay nag-anunsyo ng kanyang pag-alis sa pagpulong ng Senado ukol sa Presidential Communications Operations Office (PCOO) budget.
Ang pag-anunsyo niyo ay dumating pagkatapos sinabi ng House of Representatives na hindi nila aaprubahan ang budget ng PCOO kung hindi sumipot si Ms Uson sa pagpulong. Dalawang beses ng hindi sumali si Ms Uson sa pagpulong noon.
Pagkatapos marinig ang kanyang anunsyo, bilisang inaprubahan ang P1.41 billion budget ng PCOO para sa susunod na taon.
Naudyok umalis si Ms Uson sa kanyang posisyon pagkatapos ng sunod-sunod na mga kontrobersiyang dawit siya. Isa sa mga kontrobersiyang ito ay ang isang palabas na kasama niya si Drew Oliver kung saan di-karesperespeto ang kanilang pagsasayaw upang i-promote nila ang pederalismo.
Saad ni Senadora Risa Hontiveros, ang pagbitiw ni Ms Uson ay “too little, too late,” habang ayon kay Akbayan representative Tom Villarin, ang pag-anunsyo ay “a whiff of fresh air” at si Ms Uson ay “so contemptuous and full of herself”.
Ipinapangako ni Ms Uson na magiging "braver" siya sa kanyang mga opinyon, at inudyok daw siya ni Pangulong Duterte na tumakbo sa susunod na eleksyon.
“Senate, Congress, I don’t know yet. But we are open,” aniya.
PAKINGGAN DIN
FOLLOW SBS FILIPINO ON FACEBOOK
