Lumakas ang mga sektor na ito noong 2017, at lumalabas sa survey na maraming employer ang inaasahang maghahanap pa ng mga empleyado itong mga susunod na buwan.
Nadiskubre ng survey na hangarin ng mga employer sa serbisyong pampubliko at edukasyon na magdadagdag ng mga bagong empleyado mas lalo na sa darating na sangkapat ng Setyembre.
1,500 na employer sa Australya ang sumagot ng survey. Habang maganda ang pananaw ng survey para sa serbisyong pampubliko at edukasyon, ang optimismo ay hindi nararamdaman sa wholesale at retail, finance, pagmimina at sektor ng konstruksyon.
Ngunit, malakas ang pangangailangan para sa manggagawa mula sa mga pinakamalaking kompanya sa Australya sa susunod na dalawang taon.
Ayon kay ManpowerGroup Australia and New Zealand managing director Richard Fischer, “The strength of Australia's labour market is evident across the economy despite softer outlooks in some sectors.”
"Rather than employment growth being dependent on one sector, such as during the mining boom, we are now seeing a sustained positive outlook across all sectors."
Lumabas ang mga resulta ng survey bago inilahad noong Huwebes ang opisyal na bilang ng mga manggagawa nitong Mayo.
Inaasahan ng mga ekonomista na may 20,000 na katao ang nakahanap ng trabaho noong Mayo pagkatapos tumaas ang bilang sa 22,600 noong nakalipas na buwan.
Inaasahan din na ang mga walang trabaho ay mananatili sa 5.6 porsyento.
Sumunod ang balitang ito pagkatapos ng hindi kanais-nais na umpisa ng taon kung kailan bumaba ang employment rates ng dalawang buwan. Ang pagbaba ay nangyari pagkatapos nakahanap ng trabaho ang 400,000 na indibidwal noong 2017.
Ang mga susunod na survey na ilalabas ay ang lingguhang ANZ-Roy Morgan consumer confidence survey sa Martes, at kada-buwan na bersyon ng Westpac-Melbourne Institute sa Miyerkules.
Ipapakita ng dalawang pagsusuri ang paglakas ng ekonomiya, at ang pagtaas ng annual pace sa 3.1 porsyento, ang pinakamabilis na pag-angat sa dalawang taon.
Ang kada-buwan na business survey na ilalabas ng National Australia Bank naman ang magpapakita kung kayang mapanatili ang pagsulong na ito.
BASAHIN DIN