Bagong bansa, bagong buhay, bagong hamon

Supplied- Rebecca Smedley and Melanie Nicodemus

Source: Supplied- Rebecca Smedley and Melanie Nicodemus

Isang hamon ang pagtira sa isang bagong bansa. Para sa iba, it ay isang bagong simula, para sa iba na takot sa pagbabago, maaaring ito ay isang bangungot. Kung ano man ang dahilan ng iyong paglipat, maaaring ang pag-aral sa isang prestihiyosong unibersidad sa Australya, pagpuno ng papel bilang asawa sa iyong Australyanong pares, pagsimula ng karera sa pwersa ng trabaho o pagbuo ng magandang kinabukasan para sa buong pamilya, ang totoo ay hindi madali ang pagbabago.

Para sa dalawang Pilipina na ito, ang buhay sa Australya ay hindi puro magagandang karanasan. Isa sila sa maraming Pilipino na nakibaka laban sa kalungkutan at pagtanggi sa unang mga taon nila sa bansa. Gaano man kahirap, nalampasan nila ang mga hamon sa tulong ng ibang tao at maningning na determinasyong mabuhay.

To Australia with love

Dumating si Rebecca Smedley sa Australya taong 1983 at nakatira sa magandang nayon ng Eildon. Tulad ng mga kwento ng pagmamahal, lumipat siya sa Australya dahil sa pag-ibig. Isang nakamit na mga pangarap para kay Rebecca ang ikasal sa isang Australyano at mabiyayaan ng dalawang babaeng anak. Gayunpaman, hindi ito naging madali.

Bagaman hindi naghahanap ng trabaho si Rebecca nang siya ay unang dumating, naisip niyang dapat ay may gawin siya. Nagsimula siyang magtrabaho bilang cruise attendant sa Eildon lake at di nagtagal, nagtrabaho din sa isang maghayupan ng isda. "When I arrived, I wasn't really looking for a job but eventually I had to look for something to do cos we didn't give birth immediately."

Pilit nilabanan ni Rebecca ang kalungkutan sa loob ng anim na buwan sa pamamagitan ng pagtatrabaho at pagiging aktibo sa simbahan at iba pang sosyal na aktibidad sa kanilang lugar upang itaboy ang hindi gustong emosyon. "6 months was the trying months because I had to learn where I belong but after 6 months it went smooth. I belong to the church, I belong to the golf club because my late husband was a very avid golf player," sabi ni Rebecca.

Kahit di naman mahilig lumabas, pinuwersa niya ang sariling lumabas at makipagkilala sa ibang tao dahil naisip niyang ito lang ang paraan na makakahanap siya ng mga kaibigan at matutunana ang kultursang Australyano. "I go out that's also one way of learning Australian culture and you learn how they speak and they learn from you as well," dagdag ni Rebecca.

Gayunpaman, mas naging mahirap ang buhay niya ng pumanaw ang asawa. Sanggol pa lamang ang kanyang mga anak ng mga panahong iyon. Kinailangan niyang balansehin ang trabaho at pagiging magulang. Hindi siya bumitiw kahit na maaaring dapat ay mawalan na ng pag-asa. Lumaban siya at nagpalaki ng dalawang masaya at matagumpay na mga babaeng anak sa sariling sikap. Ito, para kay Rebecca, ay maaaring mahirap ngunit higit siyang nagpapasalamat dahil ito ay nagdulot upang siya ay maging mas mabuting tao. Ang suporta mula sa mga kaibigan ay tumulong din upang mas maging madali ang pinagdaanaan.

Sa edad na 65 taong gulang, namumuhay ng mag-isa si Rebecca simula ng mawala ang asawa. Umalis na rin ng bahay ang kanyang dalawang anak upang ipagpatuloy ang mga ambisyon sa buhay. Ngayon, tinitingnan ni Rebecca ang buhay sa ibang ilaw simula ng magtrabaho sa isang nursing home. "Now that I work in a nursing home that gives me the pleasure of meeting old people, once you're there, the prospect of dying, it gets really easy", sabi ni Rebecca.
Supplied- Rebecca Smedley
Rebecca's daughters. Source: Supplied- Rebecca Smedley

The quest for a better life

Ang kwento ni Melanie Nicodemus ay karaniwan. Sa pag-asang makamit ang magandang buhay, nagtrabaho siya bilang OFW (Overseas Filipino Worker) sa bansang Kuwait, Dubai, Africa at marami pang iba. Sa dami nito hindi na niya maalala ang ibang bansa.

Dumating si Melania sa Australya taong 1990, bagaman, hindi niya layunin ang pumunta sa Australya, naniniwala siyang may malaking papel ang tadhana dito. May tatlong anak sa unang asawa sa Pilipinas, ang independienteng babae ay matapang na lumipat sa Australya ng walang mga pamilya at kaibigan sa bansa.

Nagbukas ng mga bagong karanasan ang Australya. Bagaman sanay magtrabaho simula bata, ang mga karanasan ng pagtanggi ay nagpaluhod sa kanya. "A lot of challenges, when I came to Australia it was hard for me. they did not give us a chance to work, when I came to Australia they told me my diploma was just a certificate," sabi ni Melanie.

Hindi bumitiw si Melanie kahit na inatake ng maraming pagtanggi dito at doon. "I said to them, if you're not gonna give us a chance to work because we do not have experience , how can we have experience if we are strangers in Australia?" Sabi ni Melanie.

Dalawang taong naghanap ng trabaho ngunit di pinalad, pinayuhan si Melanie ng kanyang kaibigan mula Pilipinas na pumasok bilang hotel room attendant. Desperada na siya para sa anumang trabaho ngunit may mga alinlangan pa rin tungkol sa partikular na trabaho lalo pa't hawak niya ang isang digri sa Pilipinas. "I can't find a job for nearly two years of living in Australia, it was so stressful and she said why don't you apply as a hotel room attendant? Which I don't know how to do. I cried," sabi ni Melanie.

Ang paghahanap ng trabaho at paggawa ng isang trabahong hindi niya alam paano gawin ay ang mga pinakamalaking hamon para kay Melanie nang pumasok siya sa pwersa ng trabaho sa Australya. Ngayon, ipinagmamalaki niyang bagaman mahirap ang simula, ito ay nagdala sa kanya sa isang masayang karera sa hotel management at umasenso pa bilang supervisor. Sino ang mag-aakalang ang isang bagay na kinakatakutan niya ay magdadala sa kanya sa isang magandang landas.  Ngunit ang resulta ay may presyo ng paglilinis ng banyo at sahig at pagwalis ng dumi ng ibang tao.

Sa edad na 64 taong gulang, masaya pa rin siyang nagtatrabaho ng 26 taon sa parehong industriya at hindi niya makakalimutan ang tinuro sa kanya ng Australya, "you need to work hard."
Melanie with friends and family
Source: Supplied- Melanie Nicodemus
Maaaring ikaw ay nasa parehong pahina o sa isang kakaibang sitwasyon, ang pagiging positibo at aktibo tungkol sa pakikisama at pakikibagay sa isang bagong buhay ang susi. Magpasalamat sa bawat pagtaas o pagbaba, dahil pasasalamatan mo sila sa panghinaharap.

BASAHIN DIN:


SUNDAN ANG SBS FILIPINO SA FACEBOOK.

 

 


Share

Published

Updated

By Claudette Centeno-Calixto

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Bagong bansa, bagong buhay, bagong hamon | SBS Filipino