Nagbigay ng malinaw na indikasyon si Peter Dutton na nais niya muling hamunin si Malcolm Turnbull sa pagka-Punong Ministro sa ikalawang pagkakataon.
Ang dating ministro ng Home Affairs ay tinanong kung sinusubukan niyagn kumbinsihin ang pito niyang kasamahan na kailangan niya upang manalo, base sa boto ng partyroom noong Martes.
“Of course I am, I am speaking to colleagues,” sinabi ni Mr Dutton sa 3AW Melbourne.
“You don't go into a ballot believing you're going to lose, and if I believe that a majority of colleagues support me, then I would consider my position.”
Lumipat si Mr Dutton sa backbench matapos siyang talunin ni Malcolm Turnbull sa Liberal Leadership ballot noong Martes, na nagtala ng 35-48 na boto.
Sinundan naman ito ng pagbibitiw ng mga may mataas na posisyon sa frontbench ng pamahalaang Turnbull, habang ang mga ministro ay nadamang magbitiw ng sapilitan para maipahayag ang suporta nila kay Mr Dutton.
Hindi na mapipigilan ng kombensyon ng gabinete si Mr Dutton at may kalayaan na siyang ilatag ang kanyang mga alternatibong patakaran.
Noong Martes,iminungkahi niya ang karagdagang pagbabawas sa imigrasyon upang makahabol ang mga pangunahing lungsod sa demand ng imprastraktura.
Noong Miyerkules ng umaga, sinabi niya sa Triple M radio sa Melbourne na ipatatanggal nya ang GST sa mga bill sa kuryente.
Iminungkahi din niya na imbestigahan ng Royal Commission ang mga kumpanya ng kuryente at langis.

Minister for Home Affairs Peter Dutton at a press conference at Parliament House in Canberra, Thursday, March 1, 2018. (AAP Image/Mick Tsikas) NO ARCHIVING Source: AAP
Coalition majority nanganganib kung si Dutton ang papalit sa pwesto
Sinabi ni Nationals MP Darren Chester na maaari siyang magbitiw sa Koalisyon at maging independent kung manalo si Dutton sa leadership ballot sa hinaharap.
Ang paglipat na ito ay magiging makabuluhan dahil ito ang magtatapos sa one-seat majority ng pamahalaang Turnbull sa Mababang Kapulungan at magbibigay-daan sa maagang halalan.
Sinabi ni Mr Chester na ang lahat ng pagpipilian ay nasa "volatile environment".
Ayon sa kanya mayroon siyang tatlong pagpipilian - manatili sa kanyang pwesto, lumipat sa backbench, o umalis sa partido at pumunta sa crossbench.
“There is no reason why any challenger to this position can assume a command of the numbers when there is a small majority. I know other colleagues are worried about it,” sabi niya.
Subalit ang dalawang miyembro ng Nationals, ang dating lider na si Barnaby Joyce at Sendor John 'Wacka' Williams ay nagsabi sa SBS News na wala silang alam kung may sinuman sa kanilang partido ang nagpaplano ng pag-aalsa sa potensyal na pamahalaang Dutton.
BASAHIN DIN