Watch FIFA World Cup 2026™ LIVE, FREE and EXCLUSIVE

Alkalde sa Pilipinas na kilala sa pag-parada sa mga drug suspects, pinatay

Ang alkalde ng Tanauan na si Antonio Halili ay binaril at napatay.

Philippine police say Mayor Halili, who became controversial for parading drug suspects in public but had been linked to illegal drugs himself, has killed.

Philippine police say Mayor Halili, who became controversial for parading drug suspects in public but had been linked to illegal drugs himself, has killed. Source: AP

Isang alkalde sa Pilipinas na napasama sa listahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng mga opisyal na nauugnay sa droga ang nabaril noong Lunes ng isang "sniper". Nangyari ito noong umaga sa isang flag-raising ceremony, ayon sa pulisya.

Tinamaan si Antonio Halili sa dibdib ng isang bala na pinaputok mula sa malayong distansya. Nagkagulo sa seremonya na ginananap sa town hall ng Tanauan, timog ng Maynila.

Pagkatapos ng pamamaril, nagsigawan ang mga tao at nagpaputok din ng mga baril ang security ng alkalde. Nakunan ng video ang insidente.

Subalit, nakatakas ang namaril at dineklarang patay si Mr Halili sa ospital.

Sinabi ni police chief Renato Mercado sa AFP na ang pamamaril ay nangyari mga 150 na metrong layo sa town hall. 

"The distance from the position was extraordinary. It could not be done by an ordinary person. His skill can be compared to a trained sniper," ayon sa kanya.

Kinumpara ng kontrobersyal na alkalde ang sarili niya kay Mr Duterte ng sabihin niyang nakikisali siya sa kampanya ng pangulo laban sa krimen at ilegal na droga.

Ngunit sa 2017, lumitaw ang pangalan ni Halili sa "narco-list" na inilahad ni Mr Duterte. Nakalista dito ang mga pangalan ng mga opisyal na nauugnay sa droga.

Tinanggalan ng control sa pulisya si Mr Halili pagkalabas ng listahan, ngunit tinanggi niya na may kinalaman siya sa pagbebenta at pagkakalat ng droga.

Kahit hindi na bagong balita sa Pilipinas ang asasinasyon sa lokal na opisyal, ang karumal-dumal na pagpatay at ang pagkakaugnay ng alkalde sa droga ay nagbuhat ng mabilis na reaksyon mula sa mga kinauukulan.

"This is clearly another case of EJK (extra-judicial killing) resulting from the so-called drug war launched by the government," saad ni opposition leader Senator Francis Pangilinan.

"It is this Philippine image of a 'wild, wild west' that has also dampened the desire of both foreign and local investors," dagdag niya.

Ayon sa pamahalaan, mahigit sa 4,200 na suspek ang napatay dahil sa kampanya laban sa droga. 

Subalit ayon sa mga rights groups, ang bilang na ito ay higit sa tatlong beses na mas mataas kaysa sa inilhad, at ang mga pulis at mga vigilante ay pumapatay ng walang preweba kung sangkot talaga sa droga ang mga suspek.

Tatlo pang alkalde na nasa "narco-list" ang napatay. Ang isa sa kanila ay nasa kulungan ng siya'y barilin.

Ayon sa police chief ng Tanauan, maaring may kinalaman sa ilegal na droga ang pagpatay kay Halili.

Kinondena ng tagapagsalita ng pangulo na si Harry Roque ang krimen. Saad niya na si Halili ay alkalde ng "one of the most progressive towns," sa kanyang probinsya.

 

BASAHIN DIN


3 min read

Published

By AFP-SBS Wires

Presented by Nikki Alfonso-Gregorio

Source: AFP, SBS



Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps

Listen to our podcasts

Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS

SBS News in Filipino

Watch it onDemand

Watch now