#PinoyInMelbourneStory: Anna Manuel

Ibinahagi ni Anna Manuel, isang kwentista sa Heads and Tales, na mahirap mag-umpisa sa ibang bansa. Kinailangan talaga niyang makihalubilo at lumapit sa mga tao na interesado sa kanyang linya ng trabaho.

Anna Manuel at Yarra Libraries

Anna Manuel in one of her reading workshops Source: Supplied by A.Manuel

Dating akong reading teacher sa Maynila. Pagkatapos ng 12 taon na pagtuturo, napagdesisyunan kong sumubok ng iba. Gustong-gusto ko magbasa at magsagawa ng mga kwento. Kaya nagpasya ako na maging storyteller o kwentista.
The Storytelling Project Philippines, 2017
Teacher Anna engages children with reading and storytelling. Source: Heads and Tales website
Bumisita ako sa Melbourne noong 2016 at nalaman ko kung paano sila magbigay-halaga sa mga malikhaing programa para sa mga bata. Sabi ko sa sarili ko, "Tingin ko, nababagay talaga ako dito!"

Noong una akong dumating dito, nilibot ko ang syudad at pinuntahan ko ang pinakapaborito kong lugar - ang mga libraries o mga aklatan. Pagkatapos ay nagtungo ako sa mga art spaces kung saan mayroong mga programang pambata. 

Ang isa pang hamon para sa akin ay ang pagiging bago sa isang bansa dahil walang nakakakilala sa akin dito at kung ano ang ginagawa ko. Kung kaya't natutunan kong makihalubilo at lumapit sa mga tao na interesado sa aking linya ng trabaho. Heto ako ngayon, pagkatapos ng isang taon, nakapag-perform ako sa maraming aklatan, eskwelahan, at mga events. Nagkaroon din ako ng mga workshops para sa mga bata at nakapaglathala ako ng kauna-unahan kong picture book para sa mga bata!
Nakaka-inspire ang mga bagong kaibigan ko dito. Ginagawa nila yung mga gusto nilang gawin at lumilikha sila ng mga pagkakataon para sa pagbabago ng lipunan. Bagama't para sa atin, tirahan na natin ang Melbourne, ang mga bagay na ating ginagawa ay makakaapekto sa hinaharap ng mundong ito. 

ALSO READ

Share

Published

Updated

Presented by Roda Masinag

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand