Lumipat po kami sa Melbourne nung 2013. Third year college student ako noon from UPLB. Si mama lang dapat ang aalis. Sumama ako kasi sa isip ko, mas may opportunities. Nangako ako kay mama na ako bahala sa school expenses . Risky ang pagpunta namin dito, ni wala kaming kakilala. Wala rin kaming masyadong pera gawa ng epekto ng 2008 financial crisis.
Napunta kami sa Melbourne kasi natanggap ako sa University of Melbourne. Masuwerte at may loan program sila at nakakuha din ng scholarships. At least, nakabawas sa gastos. Malaki pa rin ang kailangan bayaran upfront, siyempre kailangan mag trabaho. Mahirap sa una kasi kailangan ng local experience. First two years ko, may time na anim na trabaho pinagsabay ko ( cleaning, tutor, ghost writing, kitchen hand, babysitting, Green Army).
Nung third at four years, nabawasan ( tatlo hanggang isa nalang). Full time work at full time na aral. Nakababaliw ang hirap sa totoo lang. Gustuhin ko man humingi ng tulong, di rin naman kaya nila mama at papa. Pero masaya ako kasi naka graduate, na nabigyan ako ng opportunities na makapunta ng ibang lugar gawa ng acads. Higit sa lahat, ang sarap isipin na nagbunga ang pinaghirapan mo.
ALSO READ
READ MORE

#PinoyInMelbourneStory: Anna Manuel
Share




