Ang radyo ay sa'yo! Magkasama nating ipagdiwang ang Pandaigdigang Araw ng Radyo

Alam ba ninyo na noong nagdaang taong 2016, mas maraming tao ang nakinig sa radyo kaysa sa nanood ng telebisyon o smartphone? Isang araw bago ang araw ng mga puso, tuwing ika-13 ng Pebrero, ay pandaigdigang araw ng radyo - isang araw upang ipagdiwang ang radyo at kung paano nito hinubig ang ating mga buhay sa pagbibigay ng mga impormasyon, kasiyahan at pakikilahok ng mga nakikinig. Ating tuklasin ang nakakamanghang medyum na ito.

World Radio Day

World Radio Day Source: worldradioday.org

Sa mga panahong ito, ang social media at mga online website ay tila nangingibabaw sa karamihan ng oras at atensyon ng mga millennial, ngunit, ang radyo ay tiyak na nagpapatuloy na sinasamahan kayo araw-araw, sa mga pinaka-napapanahong impormasyon, libangan at pakikilahok ng madla.

At ang kasaysayan ng radyo ay nagsimula mula pa noong taong 1894, nang ang Italyanong imbentor Guglielmo Marconi ay binuo ng unang wireless na sistema ng telegrapo batay sa transmisyin ng radyo. Mula noon, ang pag-unlad ng pamamahayag gamit ang radyo ay naging malaki.

Simula

Taong 1920, ang istasyon ng radyo na KDKA sa Pittsburgh, Pennsylvania, ay suma-himpapawid bilang unang lisensiyadong pang-komersyal na istasyon ng pamamahayag sa US kung saan ang resulta ng pampanguluhang halalan bilang pinaka-unang palabas nito.

Taong 1933, ang FM broadcasting na na-imbento ng Amerikankng inhinyero na si Edwin Armstrong at simula noon ito ay ginamit sa buong mundo upang magbigay ng tunog na may mataas na katumpakan.

Sa nakalipas na ilang taon, ating tinamasa ang pakikinig sa radyo sa online, streaming, sa pamamagitan ng podcast at sa app, tablet at mobile phones...  Ang paraan ng pakikinig ay patuloy na nagbabago sa mga tagapakinig nito.

1938: Naramdaman ang epekto ng radyo

Ang lakas ng epekto ng radyo ay tanyag na naipakita sa US noong ika-30 ng Oktubre, 1938. Ang Amerikanong aktor at napipintong maging taga-gawa ng pelikula na si Orson Welles ay sumahimpapawid, sa Columbia Broadcasting System radio network, isang adaptasyon ng nobelang The War of the Worlds ni Herbert George Wells.

Ang pagsasahimpapawid ay iprenisinta bilang isang serye ng mga kunwa'y bulletin ng mga balita, na nagmungkahi ng progreso ng paglusob ng mga alien na Martians. Ito ay naging sikat para sa di-umano'y pagiging sanhi ng matinding pagkasindak dahil para sa mga taong hindi nakapakinig ng pagpapakilala na ang palabas ay isang drama,  na ang palabas ay isang drama, ang ilusyon ng pagiging totoo ay hindi kayang mapamahalaan..

Radyo sa Pilipinas

Sa Pilipinas, nagsimula ang radyo noong taong 1924 sa pagkakatatag ng KZKZ (AM) ni Henry Herman Sr. sa Maynila, ang may-ari ng Electrical Supply Company. Si Henry Herman ay isang Amerikano at isang dating sundalo na dumating sa Pilipinas upang lumaban sa digmaang Pilipinas-Amerika. Nanatili siya sa Pilipinas matapos ang kanyang tungkulin.

Gayunpaman, hindi ito ang unang pagsubok. Iminumungkahi ng mga pagtatala na Archives magmungkahi na isang Amerikanang babae na may pangalang Mrs. Redgrave ay gumamit ng isang limang-watt na transmiter para sa isang test broadcast mula sa Nichols Field (ngayo'y Villamor Airbase). Ang pagtangkang ito ay marahil ang unang pagsasahimpapawid sa radyo sa Asya.

Ang istasyon ni Henry Herman ay orihinal na nag-broadcast gamit ang isang 5-watt na transmiter. Taong 1924, pinalakas ito at ginawang 100 watts. Noong 1924, binili ng Radio Corporation of the Philippines (RCP) ang KZKZ AM mula kay Henry Hermann. Dalawang taon ang makalipas, ang kumpanya ay nagsimulang magtrabaho upang gawin ang dalawa sa pinakamalaking istasyon ng radyo sa Asya sa ideya na pagpapanatili ng direktang serbisyo sa pagitan ng Maynila-San Francisco. Matapos ang kasarinlan ng Pilipinas, ito ay nagbago ng callsign at naging DWKZ, ngunit nagbago noong 1960 at naging DZCA.

Taong 1929, inilunsad ng RCP ang KZRC sa Cebu, sumahimpapawid gamit ang 100-watt transmiter, ngunit sa kalaunan ay ibinenta sa isnag may-ari ng tindahan na si Isaac Beck. Ito na ngayon ang DYRC na pag-aari ng Manila Broadcasting Company.

Noong  una, ang lahat ng mga programa sa radyo ay sa Ingles bilang ito ay sa panahon ng kolonya ng Amerika sa bansa. 

Ang radyo ay hindi kontrolado ng tuntunin o mga batas hanggang noong taongl 1931 nang itatag ang Radio Control Board sa ilalim ng Pamahalaang Insular.

Ngayon, maaaring maraming istasyon ng radyo sa Pilipinas sa mga panahong ito dahil sa bawat lungsod, mayroong rehiyonal o mga pangkomunidad na istasyon ng radyo sa halos bawat rehiyon ng bansa. Ngunit ang kasalukuyang pinakamatandanv istasyon ng radyo ay ang DZRH.

Radyo sa ngayon

World Radio Day information
Source: Worldradioday.ord
Ayon sa opisyal na website ng World Radio Day official, ang radyo ay nananatiling pinaka-dinamiko, reaktibo at kaaya-ayang daluyan na umiiral ("Radio is still the most dynamic, reactive and engaging medium there is), uma-angkop sa mga pagbabago ng ika-21 siglo at nag-aalok ng mga bagong paraan upang makipag-ugnayan  at lumahok."

"Kung saan ang social media at pagkakahati-hati ng mga tagapakinig ay maaaring maglagay sa atin sa isang teorya na nagkaroon ng hinuhulaang paglago sa media ng mga taong magkakatulad ng pag-iisip, ang radyo ay katangi-tangi nakaposisyon upang pagsama-samahin ang mga komunidad at magsulong ng positibong talakayan para sa pagbabago. Sa pamamagitan ng pakikinig sa kanyang mga tagapakinig at pagtugon sa kanilang mga pangangailangan, ang radyo ay nagbibigay ng iba't ibang pananaw at mga boses na kinakailangan upang matugunan ang mga hamon na hinaharap nating lahat".

Ang World Radio Day ay ginaganap tuwing ika-13 ng Pebrero.

World Radio Day
World Radio Day Source: World Radio Day
Executive Board UNESCO inirerekumenda na ang General Conference sa pagpapahayag ng World Radio Day, sa batayan ng isang pag-aaral pagiging posible isasagawa sa karagdagang sa isang panukala mula sa Academia Española de la Radio. Sa panahon ng kanyang 67th Session, ang UN General Assembly ini-endorso ang resolution ipinapahayag Pebrero 13 bilang World Radio Day. Ang petsa, 13 Pebrero, ang araw ng United Nations Radio, internasyonal pagsasahimpapawid serbisyo ng United Nations ay itinatag sa 1946.

 Iminungkahi ng ehekutibong Lupon ng UNESCO sa General Conference ang proklamasyin ng  World Radio Day, base sa dagdag na pag-aaral na ginawa sa isang panukala mula sa Academia Española de la Radio. Sa panahon ng ika-67 sesyon, ini-endorso ng UN General Assembly ang resolusyon na nagpo-proklama sa ika-13 Pebrero bilang World Radio Day.

Ang petsa na ika-13 ng Pebrero, ay siyang araw ng United Nations Radio, ang pandaigdigang serbisyo broadcasting ng United Nations na itinatag noong taong was 1946.
Ayon sa mga organiser, "ang radyo ay siyang mass media na umaabot sa pinakamalawak na mga tagapakinig sa mundo." Kinikilala din ito bilang makapangyarihang kasangkapan ng komunikasyon at isang medyum na kaunti lamang ang gastos.  Ang radyo ay partikular na naayon na maabot ang mga malalayong komhnidad at mga bulnerableng tao habang nagbibigay ng plataporma upang mamagitan sa mga pampublikong debate, anupaman ang antas ng edukasyon ng mga tao.

Higit pa rito, ang radyo ay may malakas at tiyak na papel sa pang-emerhensiyang komunikasyon at paghahatid ng tulong kapag mayroong sakun".

Gayunpaman, sinasabi na hanggang isang bilyong tao ay wala pa ring akses sa radyo sa mga panahon  ito.
World Radio Day information
Source: World Radio Day

Ano ang mga layunin ng araw na ito?

    • Magtaas ng higit na kamalayan sa publiko at sa media tungkol sa kahalagahan ng radyo
    • Hikayatin ang mga taga-gawa ng desisyon na magtatag at magbigay ng akses sa mga impormasyon sa pamamagitan ng radyo
    • Pagbutihin ang networking at pandaigdigang pagtutulungan sa hanay ng mga broadcaster
World Radio Day information
Source: WorldRadioday

World Radio sa SBS

Sa SBS, ating ipinagdirieang ang World Radio Day bawat taon.

Nagsimula ang SBS Radio sa Sydney at Melbourne noong taong 1975 bilang dalawang istasyon ng AM, naghahatid ng mahahalagang impormasyon sa anim na wika, tungkol sa mga bagong serbisyo ng gobyerno.  Ngauon, ang SBS Radio ay isang tulay na nag-uugnay sa mahigit  4-na milyong Australyano na nagsasalita ng lenggwahe maliban sa Ingles. 74 na programa sa iba't ibang wika bawat linggo,  at maging apat na music channels - SBS PopAsia, SBS PopDesi, SBS PopAraby at SBS Chill. Ang SBS Radio ay nakakagawa ng 334 na oras ng natatanging programa bawat taon.

Narito ang pangkat ng SBS Filipino, working sa pagta-trabaho sa radyo.
Paano makakapakinih sa SBS Radio? Habang kayo ay nagmamaneho o nakasakay sa tram o sa bus, habang kayo'y nagluluto o naglalakad, sa pamamagitan ng inyong tablet o smartphone? O kayo ay nakikinig sa amin sa pamamagitan ng podcasts o streaming?

Ikomento sa Facebook page ng SBS Filipino at ipadala ang inyong larawan habang kayo ay nakikinig sa SBS Radio!

Maligayang World Radio Day sa inyong lahat! At huwag kalimutan ang "Radyo ay kayo".
Radio is you!
Radio is you! Source: www.diamundialradio.org



Share

7 min read

Published

Updated

Source: SBS



Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand