Dalawang Pinoy IT gumawa ng app na tutulong mabawasan ang mga aksidente sa daan

Sa layon na makatulong sa komunidad, dalawang IT professional mula sa New South Wales ang gumawa ng mobile app na nagbibigay sa mga drayber ng truck ng teknikal na solusyon laban sa pagod.

(L to R) Manny Diaz and Ronald Bolante

(L to R) Manny Diaz and Ronald Bolante Source: AAP, SBS

Nang dumalo ang mga IT professional na si Ronald Bolante at Manny Diaz sa isang hackathon sa Canberra noong nakaraang taon, nalaman nila na karaniwang problema ng mga Australyanong drayber ng truck ang mga antala sa paghahakot at pagdidiskarga na nagaganap sa kanilang byahe.

Sinabi ni G Diaz na sumasailalim ang mga drayber sa mga mahabang paghihintay at pila na nagiging dahilan ng pagod at stress at pagmamadali na nag-uudyok sa kanilang hindi sumunod sa batas.

Sa nakikitang matagal na problema na walang nakahandang soluyson, nagdesisyon ang mga taga Bicol region na si Bolante at Diaz na kumilos.

“This is what prompted Ronald Bolante and myself to pursue the project despite the many odds and challenges. After all, if it can save the life or limb of at least one person, then the project is worth every bit. Being able to keep Australian roads safe is a fitting contribution and a way to give back to the community,” sabi ni G Diaz.
Bolante and Diaz at the 2018 Technology and Maintenance Conference in Melbourne where they presented the Wait Advisor project to the trucking industry
Bolante and Diaz at the 2018 Technology and Maintenance Conference in Melbourne where they presented the Wait Advisor project to the trucking industry. Source: Manny Diaz

The Wait Advisor

Ang Wait Advisor ay isang proyekto sa kaligtasan ng daan na naglalayong tumulong mabawasan ang mga aksidenteng may kinalaman sa pagod kung saan sangkot ang mga malalaking sasakyan.

Ayon kay G Diaz, ilan sa mga solusyon sa pagod ay nakatuon sa deteksyon at pag-iwas; mula sa mga naka-mandatong pahinga at ergonomikong higaan, mga lane departure at babala sa pag-usbong ng mga sintomas ng pagod. Ngunit dagdag niya, ang pagod ay isang mahirap na isyu na nangangailangan ng mas komprehensibong daan kumpara sa mga pangteknolohiyang solusyon.

Sabi niya, isang lugar na hindi napapansin sa pagharap sa isyu ng pagod ay ang mga antala at yugto kung saan ang drayber ay pinapahintay habang kinakargahan ang mga truck, o ang mga pagpipila habang naghahakot o nagdidiskarga.

“The problem has existed for a very long time and it seems like no one wants to fix it. For instance in fatigue management, as truckers would probably agree, there are a lot of regulations in terms of sleeping cycles, load and others but no one is looking at the delay and the wait the truckers are subjected to in a leg. Sometimes, they come in for work ready to drive turns out they have to wait for the cargo to be loaded then when they reach the destination they would wait in queue for the cargo to be unloaded which impacts them. The delays that are happening causes stress, fatigue and disincentive to the driver,” sabi niya.
By activating the Wait Advisor app, volunteer informants can send information on where, when and how long delays occur.
By activating the Wait Advisor app, volunteer informants can send information on where, when and how long delays occur. Source: Manny Diaz

Mekanismo

Ayon kay G Diaz, ang Wait Advisor ay nagsisimula sa pamamagitan ng pag-kolekta ng mga datos para sa isang impormasyong crowd-sourced kung saan ang mga boluntaryong drayber ng truck ay nagbibigay ng mga impormasyon tungkol sa mga pagkakaantala. Sa pamamagitan ng pag-activate ng the Wait Advisor app, ang mga boluntaryong impormante ay makakapadala ng mga impormasyon kung saan at gaano katagal ang mga antala. Ang mga datos ay pinag-sasama upang maiwasang makilala ang impormante.

"When a truck is stuck in a queue, the truck driver can quickly activate the app. When the wait is over, the app is deactivated. If they forget to turn it off, it will detect that they are already in a driving speed and it will automatically turn off,” sabi ni G Diaz.

Ang mga impormasyong ibinigay sa app na downloadable ay magagamit ng mga magbabyahe upang mabisang ma-plano ang kanilang rota at byahe at magbibigay impormasyon sa mga negosyo tungkol sa mga antala.

"Data collected using the Wait Advisor app will be used to provide actionable insights for stakeholders in the logistics and trucking sector," dagdag ni G Diaz.

The scene of a truck crash in Sydney.
Police have told NSW drivers to slow down with 25 pedestrians already dead on state roads in 2019. (AAP) Source: AAP

Ligtas na mga daan

Ayon sa isang pag-aaral mula sa mga mananaliksik ng Monash University sa Melbourne, ang mga drayber ng truck ay nasa mataas na panganib ng pagkakamatay kumpara sa ibang manggagawa sa buong bansa.

Lumabas din sa istatistika na mayroong 210 kamatayan at 1700 pinsala sa buong Australya dahil sa mga aksidente sangkot ang mga malalaking sasakyan kada taon.

Ayon kay G Diaz, bagaman mayroong mga pagpapabuti sa kaligtasan ng daan sa mga nakaraang taon, nagpapatuloy ang problema.

"As we know truck crashes are over represented in statistics even though there are a lot of safety improvements that has been done through the years, we're wondering why no one is interested in looking at it when the very people who are suffering from it are very vocal and it’s a problem that is impacting them."

Umaasa ang dalawa na ang nasabing proyekto ay makakatulong na mabawasan ang mga disgrasya at kamatayan sa daan, kung di man ay tuluyang maalis ang mga aksidenteng may kinalaman sa pagod.

“We are expecting and hoping [that it will help lessen road accidents in Australia] and we are also working with an academic who is doing research on this line of inquiry. We’re approaching the problem at different angles; one is providing technology solutions at the points where there are delays. For instance a queue management system which will redirect a truck to a suitable rest stop or parking area instead of queueing up at a site without losing their position in the queue. Second, looking at the evidence basis and having research people validating what we are saying,” sabi ni G Diaz.

Habang muling ilulunsad ng dalawa ang app sa Agosto sa suporta ng Australian Trucking Association, umaasa sila na ang kamalayan tungkol sa libreng app ay kumalat upang kanilang maipagpatuloy ang proyekto.

“There is no financial gain expected of it, we are working on a model that if this effort would save at least one person’s life then we are willing to pursue it,” sabi niya.

PAKINGGAN:
BASAHIN DIN:
 

 

Share

Published

Updated

By Claudette Centeno-Calixto

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand