Rural landscape, Western Australia, Australia
Rural landscape, Western Australia, Australia

Ang Pambansang Awit ng Australia at panunumpa bilang mamamayan sa wikang Filipino

Isinalin namin ang Pambansang Awit ng Australia at panunumpa ng pagkamamamayan sa iba't ibang wika

Published

Source: SBS
Kinikilala ng SBS ang mga Aboriginal at Torres Strait Islander Peoples sa buong Australia bilang mga Tradisyunal na May-ari ng Lupain, at ang kanilang patuloy na ugnayan sa lupa, katubigan, at komunidad.

Ang orihinal na liriko ng Advance Australia Fair ay isinulat noong 1878 ni Peter Dodds McCormick, isang guro at manunulat ng kanta sa Australia. Noong 19 Abril 1984, opisyal na kinilala ang awitin bilang pambansang awit ng Australia.

Noong 2021, binago ang mga salita sa ikalawang linya ng awit mula sa “young and free” patungong “one and free” upang mas maging inklusibo.

Ang pambansang awit ay inaawit sa mga opisyal na seremonya, paligsahang pampalakasan, at iba pang pagtitipon ng komunidad.

Liriko ng Pambansang Awit ng Australia

Magdiwang tayo, mga Australyano,
Pagkat tayo’y nagkakaisa at malaya;
May mayaman at gintong lupain;
Dagat ang paligid natin;
Biyaya ng kalikasa’y sagana;
Ganda’t yaman na kakaiba;
Sa bawat yugto ng kasaysayan,
Itaguyod natin ang Australia.
Sa masayang tinig, tayo’y umawit,
Isulong ang Australia.

Sa ilalim ng ningning ng Southern Cross,
Sama-sama tayong magsisikap;
Para itong Commonwealth natin
Katanyagan ay makalap;
Sa mga mula sa ibayong dagat
May puwang sa bawat isa;
Buong tapang tayong magbuklod
Na isulong ang Australia.
Sa masayang tinig tayo’y umawit,
Isulong ang Australia.
Australians Celebrate Australia Day As Debate Continues Over Changing The Date
- Credit: Don Arnold/Getty Images

Pananumpa ng Pagiging Mamamayan ng Australia

Mula nang ipatupad ang Australian citizenship noong 1949, mahigit anim na milyong tao na ang naging mamamayan sa pamamagitan ng pormal na seremonya.

Ang mga seremonya ng citizenship ay inorganisa ng mga lokal na konseho, kabilang na ang pagdiriwang tuwing Australian Citizenship Day tuwing 17 Setyembre.

Bilang bahagi ng seremonya, tinutugtog ang pambansang awit ng Australia at binibigkas ng mga tao ang pananumpa bilang pagtanggap sa mga tungkulin ng pagiging mamamayan ng bansa.

May dalawang bersyon ng pananumpa, at ang isa ay may pagbabanggit sa Diyos.


Pledge version 1 

Mula sa araw na ito, sa ilalim ng Diyos,
Ipinapangako ko ang aking katapatan sa Australia at sa mga mamamayan nito,
na ang mga paniniwala sa demokrasya ay aking pinapahalagahan,
na ang mga karapatan at kalayaan ay aking iginagalang, at
na ang mga batas ay aking itataguyod at susundin.

Pledge version 2 

Mula sa araw na ito,
Ipinapangako ko ang aking katapatan sa Australia at sa mga mamamayan nito,
na ang mga paniniwala sa demokrasya ay aking pinapahalagahan,
na ang mga karapatan at kalayaan ay aking iginagalang, at
na ang mga batas ay aking itataguyod at susundin.

Basahin at pakinggan ang Pambansang Awit ng Australia at ang panunumpa ng pagkamamamayan sa wikang Filipino


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand