Ayon sa pamahalaang pederal, pwede nang mag-apply ang mga Australyano na makakuha ng katunayan na sila ay bakunado na para ligtas na makabyahe papuntang ibang bansa.
Pwedeng ma-access ng mga may hawak na Australian passport at Australian visa ang rekord ng kanilang pagpapabakuna kontra COVID-19, mula sa Australian Immunisation Register, batay ito sa pahayag ng mga ministro noong nakaraang Linggo.
"The international proof of vaccination features a secure QR code to prove COVID-19 vaccination status to border authorities around the world and increases a person's ability to travel safely and with confidence," sabi ng mga ministro.
Maaaring i-download ang vaccine certificate o di kaya’y i-print para masigurong mayroon ka pang kopya. Ito ay compatible din sa ibang travel app gaya ng International Air Transport Association (IATA) Travel Pass.
Inihayag ng pamahalaan na mas luluwagan pa ang mga restriksyon simula ngayong Nobyembre para sa pagbyahe sa ibang bansa at sa mga Australyanong kumpleto na ang bakuna.
Bagamat may ilang bansa na kakailanging magpakita ng katunayan na ikaw ay bakunado, may ilang bansa na hindi naman ito kinakailangan. Kaya’t mabuting alamin kung ano ang kakailanganing dokumento sa bansang pupuntahan.
Ang international proof of vaccination na ito ay mayroong tinatawag na Digital Seal technology. At ayon sa awtoridad, walang dapat ikabahala sa paggamit nito. Ito’y ligtas gamitin katulad ng pasaporte.
"The international certificate meets the new global standard specified by the International Civil Aviation Organisation and conforms with World Health Organisation guidance," ayon sa pahayag.
"The launch of the international proof of vaccination is a key step towards safely reopening international borders and supporting Australia's COVID-19 economic recovery."
Maaaring makapag-apply para sa libreng international certificate gamit ang iyong Medicare account o Medicare Express App.
BASAHIN DIN