Ang pagboboluntaryo ay hindi lamang magandang pagkakataon na makatulong sa komunidad. Ayon kay Adrienne Picone, CEO ng Volunteering Australia, ito rin ay nagbibigay daan na makakilala ng mga bagong kaibigan, mapalawig ang iyong social network, maging aktibo, madagdagan ang iyong tiwala sa sarili, o makadagdag ng kasanayan na maaaring ilagay sa iyong CV.
“When we think about volunteering, we just think about the community sector but volunteering is as broad and diverse as our community.”
“There are volunteering opportunities in sports, in the art, in the emergency services, in the environment, as well as in community welfare and education,” sabi niya.
Paano ka makakapagsimula

This is a great week to have a go and do something that you really love. Source: Pexels
Ang pinakamainam na paraan ay mag-check online at tignan ang Volunteering Australia website. Sa website nila makikita ang kanilang proyekto na tinatawag na ‘Go Volunteer,’ kung saan maaari kang makahanap ng iba't-ibang klaseng aktibidad depende sa kung ano iyong nakahiligan.
“There’s really something out there for everybody, no matter what you’re interested in or what kind of role you’d like to play,” inihayag ni Ms Picone.
Ayon pa sa kanya, ang bawat lungsod ay may kanya-kanyang Volunteer Resource Centre o volunteer peak body na maaaring makatulong sa iyo.
Magbigay ng oras
Kalimitan nagbibigay ang mga tao ng pera para makatulong sa mga organisasyong kanilang nais suportahan, subalit ang pagbibigay ng oras ay isa ding mahalagang kontribusyon, ayon kay Ms Picone.
“When we make a donation of time, we can improve the quality of life for the recipients of our volunteering, we can spread the word about the good work and bring awareness about the good work that the organisation does and also we could be of great benefit to the community.”

Source: Volunteering Australia Facebook
National Volunteer Week
Base sa datos ng Volunteering Australia, umaaabot sa humigit-kumulang $290 bilyon ang naiaambag ng anim na milyong boluntaryo sa ating ekonomiya at sa kabuuang kabutihang naidudulot nito.
Ngayong National Volunteer Week, ating pasalamatan ang mga boluntaryong walang sawang nagbibigay ng oras upang makatulong sa iba't-ibang sektor, organisasyon, at mga komunidad sa buong bansa.
“I think we should be saying thank you every day. But really this is the way that we can shine a spotlight on to the volunteers.”
“Everybody has mixed experience of benefits of volunteering, this is a great week to have a go and do something that you really love.”
National Volunteer Week Events
Simula ika-20 hanggang ika-26 ng Mayo, magkakaroon ng ilang mga kaganapan sa buong bansa.
Alamin kung saan ka maaaring pumunta at makihalubilo sa mga kaganapan ngayong linggo https://www.volunteeringaustralia.org/get-involved/nvw/nvw-events/
ALSO READ