Para sa mga nais na tawaging tahanan ang Australya ay madalas an naiiwang malungkot bilang ang kanyang linya ng trabaho ay hindi nakalinya sa ilalim ng Skilled Occupation List (SOL) ng pamahalaan, ngunit ang Tasmania ay nagbigay kasagutan sa kanilang mga problema.
Sa Tasmania, walang tinatawag na occupation ceiling o hangganan ng trabaho, kaya kung ang inyong trabaho ay wala sa tala ng Skilled Occupations List (SOL) mayroon pa rin kayong daan-daang dagdag na mapagpipilian. Bukod dito, ang estado ay handang mag-isponsor sa inyo*.
Pinalawak ng estado ang spectrum upang tumanggap ng mga aplikasyon mula sa mga kandidato na ang mga trabaho ay nakapaloob sa ilalim ng State Migration Plan at maging sa Consolidated Skilled Occupations List (CSOL).
Ito ay nagbigay-daan para sa mga propesyonal mula sa daan-daang mga karagdagang trabaho upang makapag-migrate sa Australia, na may kahandaan para sa pag-isponsor sa kanila.

A view of Sullivans Harbor in Hobart, Tasmania on a clear day with Mt. Wellington rising in the background. Source: Getty Images
Upang mapag-migrate sa Tasmania, maaari kayong magpasa ng aplikasyon para sa mga sumusunod na bisa:
- Skilled Independent Subclass 189
- Skilled Nominated Subclass 190
- Skilled Regional (Provisional) Subclass 489
Isang masayang Filo sa Tasmania
Pakinggan ang kanyang kuwento:
READ MORE
A fulfilled Filo in Tasmania
Ang mga aplikante ay kailangan ng minimum na 60-puntos upang makapag-aplay. Bukod sa pagiging nakapaloob sa isa sa mga kategorya na nabanggit sa taas, ang mga aplikante ay makakakuha ng puntos para sa kanilang gulang (maximum 30); kasanayan sa wikang Ingles (maximum 20); kwalipikasyon sa natapos na pag-aaral sa Australya (maximum 5); pag-aaral sa rehiyonal na lugar sa Australya (maximum 5); pinakamataas na naabot na edukasyon (maximum 20); professional year (maximum 5); karanasan sa trabaho sa ibayong dagat (maximum 15); karanasan sa trabaho sa Australya (maximum 20); kwalipikasyon ng kasanayan ng kapareha (maximum 5); at hinirang na wika (maximum 5).

Hobart Dock (Pixabay) Source: Pixabay
Maaaring alamin kung kayo ay karapat-dapat mula sa interactive points calculator na link na ito:
Ang oras ng pagbiyahe sa pamamagitan ng eroplano mula sa Melbourne patungong Tasmania ay isang oras; at mula Sydney patungong Tasmania ay dalawang oras.
*May mga tiyak na tuntunin at kondisyon para makatanggap ng nominasyon mula sa estado (https://www.migration.tas.gov.au/skilled_migrants/skilled_regional)