Isang nangunugunang grupo ng mga negosyante ang nagbabala sa "mischievous" na debate sa imigrasyon, na lalo pang umigting habang nalalapit ang Super Saturday by-elections, at inakusahan nito ang Labor at Coalition ng maling pagpapahayag ng mga bilang.
Kamakailan, ang parehong partido ay pinaigting ang isyu ng imigrasyon, bago pa man ang limang by-elections na gaganapin sa Hulyo 28.
“There are lies, damn lies and statistics,” sabi sa SBS News ni James Pearson, pinuno ng Australian Chamber of Commerce and Industry
“And I'm sorry to say that the numbers being bandied about in this debate are being bandied about in the most misleading way.”
Paano nagsimula
Noong nakaraang Linggo, ang pamahalaang Turnbull ay ipinamalita ang pagbaba ng bilang ng mga migrante - pinakamababa sa loob ng 10 taon - bilang pag-endorso sa mas mahigpit na pamamaraan sa pagbawas ng mga "fraudulent applications."
Bilang tugon, ipinakalat naman ng Labor na pinahintulutan ng gobyerno ang halos 1.6 milyong katao na tumira sa Australya sa pansamantalang bisa na may kaakibat na work rights.
“What has become an absolute problem has been the explosion, the misuse and abuse, of issuing of temporary work visas,” sinabi ng shadow minister for employment na si Brendan O’Connor sa ABC Radio.
“If you want to know why unemployment amongst young people is so high compared to other OECD countries, just look at the amount of visas being issued.”

Source: SBS
Sinabi ni Mr Pearson na ang palitan ng pahayag ng dalawang partido ay nakakahinayang at nakakalito para sa mga botante. Dagdag nito, dapat nang tapusin ang bi-partisanship pagdating sa usapin ng skilled migration.
“I regret the fact that what for so long was strong, bipartisan support for a strong, well-managed migration program … seems to have been put to one side,” sabi niya.
Mayroon ba talagang 1.6 milyon na temporary workers?
Nag-react naman si treasurer Scott Morison laban sa sinasabi ng Labor tungkol sa bilang ng temporary workers noong nakaraang Linggo.
“Bill Shorten needs to check his facts. I mean, this bloke lies like he has breakfast in the morning. The number of people here on temporary skilled visas, here right now, is 20 per cent less than it was when Labor left office.”
Ang dahilan sa pagkakamali ng Labor ay isinama nila sa bilang ang lahat ng may hawak ng pansamantalang bisa na may karapatang magtrabaho, kabilang ang mga international students, mga taga-New Zealand na may special visa at mga backpackers, sabi ni Mr Pearson. Ang mga bilang na ito ay dumaragdag sa humigit-kumulang 1.6 milyon, ngunit sinabi niya na ang bilang ay nakakalinlang.
“To suggest for a moment that all of those people are working, let alone working full time, is wrong, because many of them are not,” sabi niya.
Ang mga working holidaymakers ay limitado ang oras na pwede sila magtrabaho, gayundin ang mga international students na pwede lamang magtrabaho ng 40 oras kada dalawang linggo.
'Kailangan nating mag-ingat'
Sinabi ni Carla Wilshire ng Migration Council na ang Labor ay isinama ang "malaking sample ng iba't-ibang kategorya ng mga bisa" at pinagsama umano nila ito upang makakuha ng mas malaking bilang.
Siya din ay may pag-aalangan sa retorikang pampulitika tungkol sa debate sa imigrasyon.
“I think we need to be very careful. The Australian economy very much relies on a certain level of migration flowing through,” sabi ni Ms Wilshire.
Inihayag ng Labor na ang isyu sa mga intenational student ay pinalala ng mga estudyante na lumalabag sa kanilang mga limitasyon sa trabaho, na kadalasan ay nape-pressure sila ng kanilang mga employer.

Five by-elections will take place on Saturday 28 July. Source: SBS News
“You have temporary visas being issued as student visas, where the applicant is not primarily studying,” sabi ni Mr O’Connor.
Sinabi ng Migration Council na bagamat may mga paglabag ang mga estudyante, ang antas ng naturang isyu ay "hindi naman ganoon kataas."
Sinabi ni Ms Wilshire na ang kamakailang pag-uugnay ng data ng imigrasyon sa mga rekord ng Australian Tax Office ay nakatulong upang maiayos ang mga isyu ng pagsunod sa mga kondisyon.
Wala pang inihahaing panukala ang Labor tungkol sa pagbabawas sa pansamanatalang bisa na may work rights.
Ang limang by-elections ay gaganapin sa Sabado, Hulyo 28.
ALSO READ
Panoorin ang live coverage ng Super Saturday sa SBS News website at sa SBS News app sa iOS at Andoid.