Ano ang mga rekisito kung lilipat sa ibang estado?

Kada taon, halos nasa 400,000 ang bilang ng mga Australyano na nais tumira sa ibang estado ng bansa. Ang isang listahan ay mahalaga upang mapadali ang iyong paglipat.

Family moving into new home smiling

Moving Source: Getty Images

Ayon sa Australian Bureau of Statistics, ang mga taong isinilang sa labas ng bansa ay mas malamang na lumipat kaysa sa mga ipinanganak sa Australya.  Ang paglipat sa isang bagong bansa ay isang makabuluhang proseso, kung kaya't ang paglipat sa ibang estado ay tila parang lumipat ng dalawang beses.

Magkaiba ang mga batas at regulasyon ng bawat estado, ibig sabihin ang mga bagay na iyong inayos nang ikaw ay unang lumipat sa Australya ay kinakailangang ayusing muli.
writing_a_checklist_pixabay.jpg?itok=3NA5cU30&mtime=1562726946

Magsimula sa pamamagitan ng paggawa ng isang listahan

Kabilang sa iyong listahan ang pag-rehistro ng change of address sa mga departamento ng gobyerno, bangko at iba pang serbisyo na iyong ginagamit. Ang mga pagbabago ay kadalasan din magagawa online.

“Firstly and probably most obviously, there is a change of address. People need to change their address not just for their friends, but for their bank and maybe with Centrelink, if they are receiving some sort of payment. If they are on a particular visa, that may require that the Immigration Department is informed of the new addressMedicare needs to know of your current address,” paliwang ni Laurie Nowell, Public affairs manager sa settlement services provider na AMES Australia.

“It’s also worth thinking about leaving a forwarding address from your old residence as well, so your mail catches up with you.”

Mga paaralan ng pananaliksik

Kahit na anong sistema ang mayroon ka o saan ka man nakatira, may pambansang kurikulum ang Australya. Ngunit, magkaiba ang mga katibayan, paksa at termino ng paaralan kaya mas mabuting manaliksik muna bago lumipat upang handa.
moving_house_gettyimages.jpg?itok=VtjCJ3ow&mtime=1562727109

new home

I-update ang rehistro ng sasakyan at lisensya sa pagmamaneho

May iba't-ibang patakaran at regulasyon ang bawat estado sa pagpaprehistro ng sasakyan at lisensya nito. Mayroong magkaibang mga dokumentasyon ang kailangan upang kumpletuhin ang proseso. Magkaiba din ang bayad.

“You also need to change driver's licence and most states offer you about three months to do that. Speaking of transport, road rules are different in each state. Victoria is particularly unique because of trams, the number of trams on the roads, so it's worth finding out about particular local road rules. Also. public transport systems are different, ticketing is different, and some places are better served with public transport than others,” sabi ni Nowell.

I-update ang iyong tirahan sa electoral roll

Nauukol sa batas ang pagboto sa Australya. Kada lipat, dapat ay i-update ang iyong tirahan sa electoral roll o mabubura ang iyong pangalan at hindi ka makakapag-boto.

Ipaalam sa Australian Electoral Commission ang iyong paglipat at siguraduhing naka-enrol upang bumoto sa iyong bagong estado. Kung hindi ka nakapag-enrol ay magbabayad ka ng multa.
moving_gettyimages.jpg?itok=8RnYYTIv&mtime=1562727317

Unloading boxes

Huwag magdala ng mga bagay na hindi pwedeng dalhin sa ibang estado

Ang Australya ay isa sa may pinaka-striktong batas quarantine sa mundo, at ito ay ginagamit din sa paglilipat estado.

Inirerekomenda ang pag-iwan ng mga tanim, produktong mula sa hayop at mga ekipong pang-agrikultural na naglalaman ng mga contaminant. Para sa karagdagang impormasyon alamin sa Australian Interstate Quarantine website.

Mag-plano ng isang “moving budget”

Dumating mula sa India si Pallavi Thakkar at nanirahan sa Sydney, ngunit kamakailan ay lumipat sa Melbourne para sa isang oportunidad sa trabaho. Payo niya ang pagkakaroon ng isang "moving budget" upang maiwasan ang mga di-inaasahang gastos.

"Since it was a big move from one state to another, it was important to have a budget in mind when it comes to moving. We spent around $10, 000 on this moving altogether," sabi niya.

Mahalaga din na alalahanin na ang premium ng mga insurance at serbisyo ay magkaiba sa bawat estado.
plan_a_budget_gettyimages.jpg?itok=Xu3LzBJh&mtime=1562727500

Social network life

Humingi ng tulong

Sinabi ni Thakkar naging malaking tulong sa kanya ang social media upang kumuha ng mga praktikal na payo at kumunoketa sa komunidad Indyano: "Basically, I posted my query on Facebook and people were nice enough to come out with lots of suggestions. And it was most important for us that we are close to the city so going to very far suburbs was ruled out."

Sa kabila ng mga community forums, sinabi ni Laurie Nowell maari din tumulong ang mga nagbibigay ng serbisyo sa paninirahan at mga migrant resource centre: “The government has a translation and interpretation service; it's available and free to people. And if you approach local migrant resource centres or organisations like AMES in Victoria, they can help you with these issues.”

BASAHIN DIN:

Share

Published

Updated

By Audrey Bourget, Harita Mehta
Presented by Claudette Centeno-Calixto, Annalyn Violata

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand