Bakit madaling kapitan ng hepatitis ang mga Pilipino

Isa sa dalawampu't limang Pilipino na naninirahan sa Victoria ang may hepatitis. Minsan, ang mga sintomas ay hindi pa agad nakikita hanggang ito ay muling naisaaktibo pagkaraan ng ilang taon. Kadalasan, hindi alam ng iba na sila ay nahawa na. Kung hindi magagamot ay maaring magdulot ng pagkasira ng atay o kanser sa atay.

SBS Filipino

Hepatitis vaccine Source: SBS Filipino

Nalaman na mayroong mataas na antas ng malubhang hepatitis sa iba't-ibang komunidad ng Australya. Lumabas sa mga datos ng Cancer Council in Victoria na isa sa dalawampu't limang Pilipino sa Victoria ay nabubuhay ng may nakakahawang hepatitis B at C.

Ayon sa hepatitis educator na si Sharmane Rabusa, marami sa mga Pilipino ang may ganitong sakit dahil kadalasan sa mga ina na may hepatitis ay hindi dumaan sa mga pagsusuri nang sila ay manganak dahilan upang maipasa ito at dahil din sa kakulangan sa kaalaman tungkol sa pagsusuri.

"Most of the Filipino mothers who have hepatitis were not tested during childbirth and it is unknowingly passed on to the child through blood to blood infection."

Dagdag ni Bb Rabusa, mayroong malinaw na stigma sa komunidad ng Pilipino kung saan hindi pinag-uusapan ang hepatitis.

"There's a lack of awareness about testing as when people find out that you are infected with hepatitis people are discriminated or treated differently."

Hepatitis?

Ayon kay Bb Rabusa, ang Hepatitis ay tumutukoy sa isang kondisyon kung saan namamaga ang atay na karaniwang dulot ng isang nakakahawang impeksyon na kilala bilang viral hepatitis, gayunpaman may iba pang posibleng dahilan din ito.

" 'Hepat' in Greek means liver and 'itis' means inflammation put that together means liver inflammation. The causes of hepatitis are usually from alcohol, toxins or autoimmune. However, there's also the cause of viruses which have 5 types A, B, C, D, E."

Sinabi ni Bb Rabusa, nalaman na ang mga virus B at C ay mas nananaig sa komunidad Pilipino.

Hepatitis B laban sa Hepatitis C

Ang Hepatitis B ay naipapasa sa pamamagitan ng paglapat sa mga may impeksyon na likido ng katawan tulad ng dugo, vaginal secretions o semen na may hepatitis B virus (HBV). Ito ay kumakalat sa pamamagitan ng pakikipagtalik na walang gamit na proteksyon. Posible din na makakuha ng hepatitis B kung gumamit ng mga karayom, razor o toothbrush ng taong may impeksyon.

Nasa mataas na panganib din ang mga taong nakikipagtalik sa iba't ibang kapares o nagtuturok ng droga. Ang mga health care worker na lantad sa dugo o naninirahan kasama ang isang taong may malubhang hepatitis B ay nasa mataas na panganib din.

Bagkos, ang Hepatitis C ay nagmula sa hepatitis C virus (HCV). Ito ay naipapasa sa pamamagitan ng direktang pagkakalantad sa mga likido ng katawan na may impeksyon tipikal na naggmula sa mga pagturok mula sa droga at pakikipagtalik.

Ang paggamit ng karayom ay isa din sa mga karaniwang dahilan ng impeksyon. Ang pagpapa-tattoo gamit ang karayom na may impeksyon ay isa din sa dahilan. Maari din maipasa ng isang ina ang virus sa kanyang kapapanganak na sanggol.
A heroin addict prepares a dose
Dec. 14, 2018 photo, a heroin addict prepares a dose, in an area where heroine uses shoot up behind an abandoned home in Puerto Rico. (AP Photo/Carlos Giusti) Source: AP

Sintomas

Ayon kay Bb Rabusa, unang yugto ng sintomas ang namamagang atay. Kung hindi magagamot, maaring maging dahilan ito ng mga seryosong problema tulad na lamang ng pagkasira ng atay, paghina ng atay at kanser sa atay.

"The symptoms of hepatitis is that you get an inflamed liver which is the first stage and then the scarring and fibrosis where the liver becomes harder then through to cirrhosis where it becomes scarred and the extreme end of it would be liver cancer."

Dagdag niya nakita na ilan sa mga sintomas ng hepatitis B ay ang pagkakaroon ng jaundice o dilaw na balat, namamagang tiyan, nanghihinang kalamanan at problema sa dugo.

Habang ang hepatitis C ay may parehong sintomas sa B virus, dagdag niya ilan sa mga din sa mga indikasyon ang pagkakaramdan ng pagod, masakit na tiyan, sakit sa kasukasuan, problema sa pagtatae at problema sa balat.
The symptoms of hepatitis may include muscle wasting, jaundice, upset stomach, skin irritation, muscle joint pain and bowel problems
The symptoms of hepatitis may include muscle wasting, jaundice, upset stomach, skin irritation, muscle joint pain and bowel problems Source: SBS Filipino
BASAHIN DIN: 

Pagsusuri, bakuna at pagsubaybay

Sa tumataas na pigura at layon ng Australya na alisin sa taong 2025 ang hepatitis, sinabi ni Bb Rabusa na ngayon ang pinakamabuting panahon para sa mga tao na bisitahin ang GP, magtanong ukol sa hepatitis at kung posible ay dumaan sa isang pagsusuri.

"What we really want to highlight is to go and get tested, see your doctor and specifically ask for hepatitis B and C. We are in Australia we have access to free medicine and for the cure of hepatitis C. With free medicine, we encourage people to talk about it with their doctor to check their eligibility."
GP
Doctor listening heartbeat of her young patient Source: iStockphoto

Manatiling malusog

Inirekomenda ni Bb Rabusa ang tamang pangangasiwa sa sarili at malusog na pamumuhay bilang mga susi tungo sa mabuting buhay.

"For self-management, what we encourage is to reduce the alcohol intake and smoking and really living a healthy life where you eat healthy food and maintain that healthy weight. Do some exercise and get advise on prescribed medicines and therapy and other emotional support."

Get help from friends and family, join support groups and have a healthy lifestyle.
A healthy lifestyle keeps the family and community strong. Source: SBS Filipino

Suporta para sa pamilya at komunidad

Naniniwala din si Bb Rabusa na ang pagiging aktibo ng bawat indibidwal ay potensyal na makakapagpalakas ng isang komunidad. Sa ganitong pag-iisip, idiniin niya ang kahalagahan ng pagsuporta sa pamilya at komunidad.

"I think it’s really vital that you connect with your community because an organised community is a strong community. If you know someone who is infected, be there for them and encourage them to seek help in regards to further testing and also keeping that healthy lifestyle and if they do need further help refer them to our community engagement officer or Hepatitis Victoria and they can also go to big hospitals that specialise in the liver."

Bisitahin ang Hepatitis Australia website para sa karagdagang kaalaman.

Makipag-ugnay sa National Hepatitis Infoline sa 1800 437 222 (1800 HEP ABC) at ididirekta nila kayo sa mga organisasyon sa inyong estado.

BASAHIN DIN: 

Share

5 min read

Published

Updated

By Claudette Centeno-Calixto




Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand