KEY POINTS
- Hindi lamang paggamit ng social media ang nangangailangan ng mabuti at matatag na koneksyon sa internet pati na din ang ilang mga life-saving medical devices tulad ng fall alarms, cardio monitors, oxygen systems at pacemaker. Lahat ng ito ay nakaasa sa mga matatag na koneksyon upang gumana.
- Sa paglabas ng mga 4G, 5G at 6G technologies sa ibat-ibang bahagi ng mundo, nagsimula ng iswitch off ng mga telco ang 3G dahil outdated na ito at pinasok nila ang mga mas mabilis na koneksyon.
- Hinimok ni Federal Commmunications Minister MIchelle Rowland ang lahat na icheck kung sila ay apektado ng shutdown at kaagarang i-upgrade ang phone. Maaring malaman kung apektado ang iyong telepono sa pamamagitan ng pag-text ng "3" sa numerong 3498.




