#4EverWild: Pagprotekta sa mga hayop na mabuhay nang walang hanggan

Zara Bending

Zara Bending getting close and personal with Source: Supplied by Z. Bending

Ang krimen laban sa mga hayop ay isang pandaigdigang suliranin, ngunit sapat ba ang ating ginagawa upang protektahan ang mga ito at panatilihin silang buhay nang walang hangganan?


"Wildlife trafficking is a global problem requiring global response," ang pagbigay-puntos ng Associate Lecturer in Law mula Macquarie University Zara Bending.

Iniulat ng United Nations Office of Drugs and Crime noong taong 2016 na halos bawat bansa ay may tungkulin sa ipinagbabawal na kalakalan ng mga hayop, walang iisang bansa ang pinagmumulan ng higit sa 15% ng mga pandaigdaigang pagsamsam at natukoy ang mga trafficker ay mula sa humigit-kumulang 80 iba't ibang nasyonalidad.

Habang ang COP 24 o ika-24 na Conference of the Parties to the United Nations Framework Convention on Climate Change ay nagaganap sa Katowice, Poland upang talakayin ang tungkol sa pagbabago ng klima, ang tagapagtaguyod para sa kapaligiran at akademya Zara Bending ay nakatuon sa pagbibigay-kamalayan tungkol sa pagprotekta sa mga wildlife.

Si Bending, na nakaupo sa Board of Directors para sa Jane Goodall Institute of Australia, ay ginagamit ang kanyang kakayahan at ang social media upang higit na itaguyod ang kampanyang #4EverWild ng naturang organisasyon.
#4EverWild
Zara Bending promoting the Jane Goodall Institute Australia's #4EverWild campaign (Supplied by Z. Bending) Source: Supplied by Z. Bending

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
#4EverWild: Pagprotekta sa mga hayop na mabuhay nang walang hanggan | SBS Filipino