Sa Usap Tayo, tinalakay natin ang patuloy na pagluluksa ng mga pamilya ng mga biktima ng pamamaril sa Bondi Beach at pakikiramay ng maraming tao sa kabuuan ng Australia. Nagsagawa ng mga vigil sa iba't ibang estado upang parangalan at alalahanin ang mga nasawi sa malagim na insidente.
Key Points
- 15 katao ang walang habas na pinagbabaril at napatay ng dalawang salarin sa itinuturing na akto ng terorismo sa Bondi Beach noong Linggo, Disyembre 14.
- Matapos ng insidente, dagsa ang mga tao sa Bondi Pavilion dala ang mga bulaklak at mga mensahe ng pakikiramay para sa mga pamilya ng mga biktima.
- Ginugunita rin ang Hanukkah, nagkaroon ng pagsisindi ng kandila sa isang 150-sentimetrong taas na menorah sa Bondi Beach. Pinailawan din ang Sydney Opera House sa ilaw ng Hanukkah menorah at natuloy ang Pillars of Light Festival sa Melbourne.
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.





