4th Industrial Revolution: "Hindi nahuhuli sa pakikipagsabayan ang mga paaralan sa Pilipinas"

Philippine Robotics

Members of the Philippine national Robotics team "Nexus" (in white suits) with coach Michael John Cunanan & Felta Multimedia CEO Mylene Abiva Source: Supplied

Habang ang mundo ay nasa bingit ng isang teknolohikal na rebolusyon na pangunahing babago sa paraan ng pamumuhay ng mga tao, trabaho, at kaugnayan sa isa't isa, paano makatutulong ang mga paaralan upang makasabay sa mga pagbabago ng mundo ng teknolohiya?


Naniniwala na isang malaking hakbang na maihanda ang mga mag-aaral para sa tinatawag na pang-apat na pang-industriyang rebolusyon, maraming mga paaralan sa Pilipinas ang pinapasigla ang mga asignaturang nakabatay sa teknolohiya - tulad ng STEM (science, technology, engineering and mathematics) at robotics - sa kanilang kurikulum sa paaralan.
FIRST Lego League Asia Pacific Open Championship
Philippine national robotics team "NEXUS" ranked 3rd Place in the Teamwork Core Values Award over 43 teams from 21 countries at the FLL Asia Pacific Open in Sydney, 4-7 July 2019 (Michael John D. Cunanan) Source: Michael John D. Cunanan
"Our school includes robotics in our curriculum from the 4th grade to the 12th grade. We cannot stop it (fourth industrial revolution) any more so we have to embrace it and help them (students) be prepared more," saad ng punong-guro ng Living Stone International School na si Amelita Tumagoy habang nasa Sydney nang ang kanilang paaralan ay isa sa dalawang koponan na kumatawan para sa Pilipinas para sa FIRST Lego League Asia Pacific Open Championships na ginanap sa Sydney noong unang bahagi ng Hulyo.
Robotics
Living Stone International School's NEXUS Robotics Team at Sochi Olympic Park in Sochi, Russia for the World Robot Olympiad in 2014 (Michael John D. Cunanan) Source: Michael John D. Cunanan
Ang koponan ng Robotics mula sa nasabing paaralan ay nakapunta na sa anim na magkakaibang bansa - para sa World Robot Olympiad sa Russia noong 2014 at sa India noong 2016; Costa Rica - 2017, China at Thailand, at sa Australia para sa FIRST Lego League - matapos manalo ng mga pangunahing gawad sa pambansang kumpetisyon ng robotics sa Pilipinas.


"As a school, we primarily believe that we are equally competent as those people outside the Philippines, other countries. What they can do we can do as well! It's only a matter of opportunity," dagdag ni punong-guro Amelita Tumagoy.
Philippine Robotics
Members of the Philippine Robotics Team 'NEXUS' from Living Stone International School during the judging for the Robot Design category (Michael John D. Cunanan) Source: Michael John D. Cunanan
Bagaman ang Pilipinas ay itinuturing na umuuland na ekonomiya, maraming mga paaralan ang lubos na may kakayahan sa larangan ng teknolohiya, lalo na sa larangan ng robotics, dahil maraming mga koponan ng robotics mula Pilipinas ang nakikipagkumpitensya sa buong mundo at nag-uuwi ng mga makabuluhang parangal at pagkilala.

"We would like to see young Filipinos to be the authors of some programs, not only users of the games but creators of games, so all we have to do is to give them (students) opportunities to be really well-prepared. Who knows, maybe two years from now we will see a Filipino as one of the inventors of flying trains," ang pag-asam ni Ginang Tumagoy.

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand