Highlights
- Kabilang ang Pilipinas sa mga bansa naapektuhan ng husto, nakita ito sa Bagyong Yolanda (Haiyan)
- Maliban sa epekto sa kapaligiran, makikita din ang epekto nito sa kahirapan, access sa serbisyong pang kalusugan at edukayson, malnutrition at exploitation
- Nagaganap ngayong linggo ang United Nations Climate Youth Summit sa Milan kung saan kabilang si Ella Simons bilang Youth Delegate ng Australya
Pinamagatang, "Born into the Climate Crisis", nakita na ang mga low-middle income na bansa ang maaapektuhan ng husto ng climate change sa kabila ng maliit na kontribusyon nito sa global emissions
“Kung di kikilos ang mga lider, partikular ang mga pinaka makapangyarihang lider laban sa climate change magiging miserable ang aming hinahaharap, ang mga bata at kabataan a ng pinaka bulnerable sa lahat” Chatten Abrera, 15 taong gulang na survivor ng Bagyong Yolanda (Haiyan)