Watch FIFA World Cup 2026™ LIVE, FREE and EXCLUSIVE

Bakit hindi uso ang pagtawag ng Ma'am at Sir sa Australia?

pexels-tima-miroshnichenko-6914058.jpg

Did you know that simply saying 'Sir' or 'Ma'am' can actually lead to some pretty awkward moments here in Australia? Credit: Pexels / Tima Miroshnichenko

Alam niyo ba na ang simpleng pagtawag ng 'Sir' o 'Ma'am' ay pwedeng maging mitsa ng awkward moment dito sa Australia? Pag-usapan natin ang 'First Name Basis' at ang kulturang egalitarian sa Aussie workplace


📢 Where to Catch SBS Filipino

🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.

📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.

📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.

TJ Correa

Alam ninyo ba alam na ang simpleng pagtawag ng Sir o Ma'am ay pwedeng maging mitsa ng awkward moment dito sa Australia? Pag- usapan natin ang first name basis at ang kulturang egalitarian sa Aussie workplace.

Sa Pilipinas, lumaki tayo na mas pormal—mapa opisina man o sa gobyerno, hindi mawawala ang “Sir” at “Ma’am.” Tanda ito ng respeto at pagkilala sa posisyon. Minsan nga, kahit sa chat o text, kailangang kumpleto ang titulo—attorney, doc, o manager—kung hindi, baka isipin nilang kulang tayo sa GMRC o good manners and right conduct. Pero paglapag sa Australia, ibang usapan na. Dito, ang tawag ay egalitarian society—ibig sabihin, mas pinapahalagahan ang pagkakapantay-pantay kaysa sa titulo.

Kahit ang boss mo sa trabaho o ang opisyal sa local council, asahan mong first-name basis lang ang gamit. ’Wag ding magulat kung sasabihin sa’yo ng manager mo na, “Please call me Dave, not sir.” Hindi ito kawalan ng respeto—ito ay paraan nila para ipakita na we are all on the same level.

Sa simula, parang ang hirap bigkasin ang pangalan ng boss nang walang “sir,” pero ang pagtawag sa kanila sa unang pangalan ay nagtatanggal ng pader sa pagitan ng employer at employee. Mas nagiging bukas ang komunikasyon sa trabaho. Ikaw, anong karanasan mo nung unang subukan mong mag first-name basis sa boss mo?

END OF TRANSCRIPT

Share

Follow SBS Filipino

Download our apps

Listen to our podcasts

Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS

SBS News in Filipino

Watch it onDemand

Watch now