Watch FIFA World Cup 2026™ LIVE, FREE and EXCLUSIVE

Puso para sa mga migranteng Pilipino

Joan Angelina Mercader with the families she took in her home

Source: Joan Angelina Mercader

Mahigit tatlumpu't limang pamilya, mga estudyante at indibidwal na ang tinanggap ni Angelina sa kanyang tahanan.


Naglakabay patungong Australya si Joan Angelina Mercader noong taong dalawang libo't sampu upang ipagamot ang anak na may sakit na leukemia.

Sa paglipat nito sa Australya, dumaan siya sa  mga pinansyal na pagsubok tulad ng ibang mga migrante. Ngunit, sa tulong ng mga Pilipinong pamilya na nakilala sa Australya na umaruga at kumupkop sa kanya, dahan-dahan niyang naiahon ang kanyang buhay, nakahanap ng magandang trabaho sa industriya ng pag-nanars at nakabili ng sariling bahay.

Hindi nakalimutan ni Ms Mercader ang tulong na ibinigay ng kanyang mga kaibigan kung kaya't siya ay tumulong din sa ibang mga bagong migrante pagkatapos ng ilang taon.

Mahigit tatlumpu't limang pamilya, mga estudyante at indibidwal na ang tinanggap ni Angelina sa kanyang tahanan.

Joan ANgelina Mercader with Filipino migrants she welcomed in her home
Source: Joan Angelina Mercader

Kinokonsidera ni Ms Mercader na tunay na pamilya ang mga Pilipinong pinapatuloy sa bahay, sinabi niyang hindi siya titigil sa pagtulong sa mga bagong migrante na balak makipagsapalaran sa Australya.


Share

Follow SBS Filipino

Download our apps

Listen to our podcasts

Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS

SBS News in Filipino

Watch it onDemand

Watch now