Iparamdam sa lahat na hindi kailangang harapin nang nag-iisa ang mga hamon ng mental health at may tulong na magagamit. Ito ang mensahe na mariing ipinapabatid ng 'You Are Not Alone Mental Health Charity Concert'l na magaganap sa Logan, Queensland.
Key Points
- Personal na adbokasiya ni Maddie dela Paz, event director ng You Are Not Alone (YANA) Mental Health Charity Concert, ang magbigay-kamalayan sa mga hamon ng mental health, bawasan ang stigma, at ipaalala sa mga nahihirapan na hindi sila nag-iisa.
- Bukod sa musika at entertainment, tampok din sa event ang pagkakataong makausap ang Filipino psychiatrists, social workers, NDIS providers at iba pang service providers para malaman ng mga dumalo kung saan at paano sila maaaring humingi ng tulong.
- Hinihikayat din ng grupo ang mga pamilya, kaibigan at buong komunidad na maging mas bukas sa usapin ng mental health at maging sandalan ng mga taong may pinagdaraanan.
- Magaganap ang 'You Are Not Alone' Mental Health Awareness Charity Concert sa Setyembre 26 sa Logan, Queensland.
Dahil sa sarili niyang karanasan sa mental health, naging passion project ni Maddie ang YANA concert, isang paraan upang maibigay sa iba ang suporta at pag-unawang sana ay naramdaman niya noong siya mismo ang dumaraan sa mahirap na yugto ng buhay.
I'm sad I'm down. I need help, I need someone. I need your hand, I need your hug. I don't want to hear anything. If you're on that state of mind at the moment and you are hearing me, believe me, there's help available and tomorrow is a brand new day.Maddie De La Paz, event director, 'You Are Not Alone' concert

📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino
or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.



