SKIP TO MAIN CONTENT

‘Mahalaga ka’: Mga Filipina, hinihikayat na lampasan ang takot at hiya sa breast screening

PFI
Pink Filipiniana Inc encourages Filipinas to get breast screened Image: Katrina Santos-Monses/ Selin Prasad

Isang inisyatiba ng komunidad ang naglalayong gawing mas bukas ang usapan tungkol sa breast health at hikayatin ang mga Filipina sa Australia na unahin din ang kanilang sariling kalusugan.


Published

Updated

By Edinel Magtibay

Source: SBS



Skip to podcast episode content

Isang inisyatiba ng komunidad ang naglalayong gawing mas bukas ang usapan tungkol sa breast health at hikayatin ang mga Filipina sa Australia na unahin din ang kanilang sariling kalusugan.


Key Points

  • Ibinahagi nina Selin Prasad at Katrina Santos-Monses, mga kinatawan na nagtatrabaho sa breast screening at community engagement sa Western Sydney, ang kanilang adbokasiya sa pamamagitan ng Pink Filipiniana.
  • Anila, takot, hiya at pag-aalala ang ilan sa mga dahilan kung bakit maaaring ipagpaliban ng ilang kababaihan ang pagpapa-breast screen.
  • Layunin ng inisyatiba na maabot ang mas maraming Filipina sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon tungkol sa breast cancer, kahalagahan ng maagang pagtuklas at regular na breast screening.
  • Bahagi rin ng kampanya ang Pink Filipiniana Gala Dinner sa 17 Oktubre 2026 sa West HQ, Rooty Hill, na magtatampok ng community education, mga kuwento ng breast cancer survivors at impormasyon mula sa health advocates tungkol sa screening at early detection.

PINK FILIPINIANA MEMBERS
Pink Filipiniana Inc. brings together Filipino community advocates and health professionals with a shared goal of raising awareness about breast cancer, early detection and the importance of screening. Image Source: PFI

“Tanang Tungo sa Ating Dibdib”

A poem by Katrina Santos-Monses/ Tutor Radiographer, Westmead Breast Cancer Institute NSW

 

Sa paglipas ng panahon at tayo’y singkwenta na

Nariyan ang pagkulubot ng balat, buto’t kalamna’y pagang paga

Hanap-hanap ay salamin sa mga nanlalabong mga mata

Ganap na nga nakarating sa estado ng pagtanda

 

Sa kabila ng lahat ng unti-unting pagbabago

Katawang wari mong humihingi ng tuwinang saklolo

Sariling kalusugan pagkaisipin, huwag bibitawan at isusuko

Para sa pamilyang umaasa at hindi mabibigo

 

Tayo’y tila muna tumingin sa dibdib tungo sa harapan

Ating itong ugaliin suriin at pagkaingat-ingatan

Ipaalam, bumisita at magdesisyong magpapamammogram

Para sa mga dibdib makita ang kanilang kalagayan

 

Ginhawa’y saglit na mawawaksi, sa mga dibdib na iipitin

Ngunit dahil sa kaunting sakripisyo katapat nama’y tahimik na isipin

Kung kanser man ay dumating, ang mammogram ay kayang saklolohin

Madiskobre itong maaga na sa gayong kayang gamutin

 

Kaya’t sa ating mga kababaihan, makinig ng maigi

Tayo at ang ating dibdib, magsanib at magkampi

Pahalagahan ang mga eksaminsayon at magpamammogram palagi

Dahil sa kalusugan nati’y mauuwi sa tunay na pagwawagi

📢 Where to Catch SBS Filipino

🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.

📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, YouTube Podcasts, and SBS Audio app.

📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook, Instagram and YouTube.


Latest podcast episodes

Follow SBS Filipino

Download our apps

Listen to our podcasts

Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS

SBS News in Filipino

Watch it onDemand

Stream now