Ayon kay Dr. Angelica Abesamis, pinakamainam na madala ng mga magulang ang kanilang anak sa dentista bago pa ito mag-isang taong gulang o sa oras na tumubo ang unang ngipin, upang mabigyan ng tamang gabay sa pangangalaga ng ngipin at kalusugan ng bibig.
Key Points
- Ang maagang dental visits ay para sa prevention, hindi paggamot.
- Mahalaga ang mga baby teeth dahil nagsisilbi itong gabay sa pagtubo ng permanenteng ngipin at hindi dapat napapabayaan.
- Inirerekomendang dalhin ang bata sa dentista sa paglabas ng unang ngipin o pagsapit ng kanyang unang birthday para sa tamang gabay sa oral health care.
- Para sa mga batang wala pang 18 months , basang soft cloth lang ang gamit, habang sa 18 months pataas ay pea-sized na kids’ toothpaste at iluwa lang pagkatapos magsipilyo para makuha ang benepisyo ng fluoride.

Mahalagang alagaan ang baby teeth dahil gabay ito sa pagtubo ng permanenteng ngipin, kaya inirerekomenda ang maagang dental check-up sa paglabas ng unang ngipin o bago mag-isang taon.Dr Angelica Abesamis, Sydney-based Dentist
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.





