"I get the best (traits) from both my mothers - my grandma and my mum - and I have my own standard, at yun ay hindi kailanman iwanan ang aking mga anak," yan ang mariing sinabi ng solong ina na si Mae Atendido.
Ang pagdadalantao sa isang sanggol ay puno na ng hamon, at matinding pasensiya ang kailangan kapag may dalawa kang anak. Ngunit sa kabila ng maraming pinagdaanan sa buhay - mula sa kanyang karera sa IT, sa pagkakaroon ng mahirap na relasyon, hanggang sa pagtataguyod ng kanyang dalawang anak, ang isa ay may autismo at retardasyon, nangako si Mae Atendido na hindi niya kailanman iiwan ang kanyang mga anak at gagawin ang lahat ng makakaya niya upang suportahan sila.

Mae Atendido with son Jaustre Source: Mae's Facebook
Aktibo sa komunidad at simbahan, ang solong-ina ay kumukuha ng kanyang lakas mula sa kanyang mga anak upang maibigay sa kanila ang pinakamahusay na kanyang makakaya. Para sa kanyang dalaga na si Jannel, ang kanyang edukasyon - kamakailan lamang ay nagtapos sa kursong Masters in International Public Health; at para sa kanyang panganay na anak na si Jaustre, mailipat sa mas mahusap na pangangalaga upang humarap sa kanyang autismo.
Ibinahagi ni Mae ang kanyang mensahe ng lakas, pananampalataya at pagmamahala para sa lahat ng ina.
Habang ang kanyang anak na si Jannel ay itinuturing siya bilang nararapat na modelo para sa kanya kapag siya ay naging isang ina na rin sa hinaharap, at nagbibigay-pugay sa pagmamahal at pag-aaruga ng kanyang ina para sa kanilang magkapatid.