Ang intergenerational report ay inilalabas kada 5 taon. Hangad na magabayan nito ang paggastos ng gobyerno sa loob ng ilang dekada.
Ang bagong labas na ulat ay nagpapakita na mas maraming tao ang kinakailangan umasa sa gobyerno – at mas kaunti ang mga tao na magpapanatili na pagpatakbo ng ekonomiya.
Highlight
- Inilabas na ng gobyerno ng Australia ang 2021 Intergenerational Report (IGR).
- Base sa ulat, dahil sa epekto ng pandemya, bumagsak ang bilang ng lumilipat para manirahan sa Australia.
- Dahil sa hindi makasabay ang mabagal na antas ng panganganak sa bilang ng tumatandang populasyon, malamang na mabagal ang paglaki ng populasyon.