Paano nga ba kung lumaki ka na nanood ng mga klasikal na palabas tulad ng Miss Saigon? Wala bang puwang para sa'yo ang alternatibo at kontemporaryong sining?
Ang tagapagtatag ng Ninefold Ensemble na si Shy Magsalin ay maaaring hindi pamilyar sa alternatibo at kontemporaryong pagtatanghal sa teatro ngunit magalak niyang tinutuklas ang mga ito.
"It's really satisfying when I see Filipino artists that are kind of like leaning a little bit more to contemporary performance so work that is bold, it is really untidy, it's a little bit wild..." pagbahagi ni Magsalin.
"The image that I had had growing up was like the people who were (kind of like) part of like Miss Saigon, the really big commercial musicals. I sort of grew up with the idea that the perfect artistic child is a singer, a triple threat is good at like acting, dancing and karaoke. I guess I was not really in touch to the more alternative and contemporary arts," dagdag ng Ninefold director at actor.
Ang Ninefold ay isang grupo na nagte-teatro na nakabatay sa Sydney at siyang resident company ng PACT para sa taong 2018-19. Layunin ng Ninefold magsiyasat ng labis na mahigpit na grupo na gumagawa ng mga pagtatanghal at lumikha ng napapanatiling kultura para sa mga aktor na gustong tuklasin ang posibilidad ng patuloy na gawain ng isang grupo. Itinuturo ng kanilang mga aktor ang Suzuki Method of Actor Training sa mga unibersidad sa buong Sydney at nagbibigay ng patuloy na mga pagkakataon sa pagsasanay para sa nakikilala at kilalang mga aktor.

Shy Magsalin in training (Supplied) Source: Supplied