Ang Twenty One Sixty Five ng manunulat/direktor na si Jules Orcullo ay maaaring ang sagot sa pangarap mong pag-arte na itinatago mo sa iyong sarili.
Ang dula ni Orcullo ay bubuuin sa loob ng 2-linggo sa The Joan Sutherland Performing Arts Center sa Sydney sa Enero 2019 bilang bahagi ng programang Q Lab ng Q Theatre. Ang programang Q Lab ay nagbibigay sa mga napili ng pinansiyal na tulong at espasyo pati na rin ang suporta sa teknikal at dramaturikal para sa malikhaing pag-unlad.
Ang Twenty One Sixty Five ay magtatampok sa dalawang aktor at nangangailangan din ng limang pares ng "Filipinx" na magulang at anak na lumahok sa mga interbyu na magbibigay-kaalaman sa direksyon ng gawain. Ang mga kalahok ay dapat na nakabatay sa o may malakas na koneksyon sa Kanlurang Sydney.