Key Points
- Tampok sa Sinulog 2026 ang fluvial procession, grand parade, mga patimpalak, konsiyerto, at paglahok ng mga kilalang artista at musikero.
- Sa temang ‘United in Faith and Love’, tinatayang humigit-kumulang 4 hanggang 5 milyon ang sumama sa pinakamalaking parada sa Cebu City nitong Enero 18.
- Hindi lamang sa Cebu ipinagdiriwang ang Sinulog—nakikiisa rin ang mga Filipino diaspora, lalo na sa Australia, patunay na dala-dala ng Pilipino ang pananampalataya, kultura, at pagkakakilanlan saan man mapunta.
- Viral din online ang mga hashtag na #Sinulog2026, #VivaPitSenior, at #OneWithNiño – maraming netizen ang nagbahagi ng kanilang karanasan sa pagdalo sa Sinulog.
Ang salitang Sinulog ay mula sa salitang Cebuano na “sulog,” na nangangahulugang agos ng tubig — simbolo ng pananampalatayang patuloy na dumadaloy mula noon hanggang ngayon.
Sa iba’t ibang panig ng mundo, buhay na buhay ang pista sa mga Filipino diaspora, kasama sa Australia. Mula Melbourne, Geelong, Cranbourne, Bendigo, hanggang Sydney, Brisbane, Perth, Adelaide, at Darwin, nagsasama-sama ang mga Pilipino sa mga simbahan at komunidad upang ipagdiwang ang Pista ng Señor Santo Niño.
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.







