Tunay na diwa ng kapitbahayan: Sama-sama sa Noche Buena ang nasa 40 pamilyang Pinoy sa Maddington, WA

Analiza Carlos.jpg

Several of the Filipino community members at The Haven in Maddington, WA led by Analiza Carlos (wearing a red ribbon headband). Credit: Supplied by A. Carlos

Parang nasa Pilipinas lang ang magkakapitbahay na ito sa Maddington, Western Australia kung saan nasa 40 pamilya ang magkakasama sa pagdiriwang ng Pasko sa nakalipas na 6 na taon.


Key Points
  • Buhay ang pakiramdam ng isang pamayanan para sa maraming mga Pilipino, tulad ng nasa 40 pamilya na magkakapitbahay sa Maddington, WA.
  • Para sa kanila, ang kapitbahayan ay higit pa sa pagdiriwang ng Pasko, kundi sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay bilang magkakapitbahay.
  • Ang pagdiriwang ng Pasko na magkasama ay isang paraan lamang upang mapanatili ang mga tradisyong Pilipino.
Isa kaming malaki at masayang pamilya dito. Nasa 40 na pamilya kami rito. Karamihan ng kapitbahay, sama-sama kaming nagno-Noche Buena for the past 6 years na," masayang kwento ni Analiza Carlos.

Bandang alas-7 palang ng gabi ng Disyembre 24 ay nagsisimula na sa pagsasama-sama ang mga magkakapitbahay sa The Haven sa Maddington, 20-kilometro ang layo mula sa lungsod ng Perth, para salubungin ang araw ng Pasko.
Maddington Filipino neighbourhood.jpg
Several of the members of the Filipino neighbourhood in The Haven, Maddingtong WA. Credit: Supplied by Fernie Vicente
"Taon-taon talaga mayroon kaming mga palaro, kasama ang mga classic na laro tulad ng Trip to Jerusalem para sa mga bata at meron din para sa mga matatanda," kwento ni Gng Carlos na siyang host para sa kanilang kasiyahan.

"Mula sa bahay, sa garahe, umaabot pa kami ng kalsada para sa mga palaro namin."

Dahil sama-samahan sa kanilang salu-salo para sa Noche Buena, isang malaking handaan ang laging mayroon sa mesa ng mga taga-The Haven.

"Iba yung feeling na para kang nakatira lang sa Pilipinas, na kapag minsan kapag nagkulang yung laman ng pantry mo, tatawag ka sa kapitbahay, at hihingi ka ng kamatis. Yung lalabas ka, may makakasalubong kang kapitbahay, magbabatian kayo, makakausap mo," diin ni Gng Carlos.

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand