Watch FIFA World Cup 2026™ LIVE, FREE and EXCLUSIVE

'Adobo, Sisig, atbp.': Alam mo ba na tuwing Abril ay ginugunita ang Filipino Food Month?

Close-up of meat in bowl on table

Homemade Filipino Adobo Pork with White Rice Credit: Brent Hofacker / 500px/Getty Images/500px Plus

Alamin ang kwento kung bakit idineklara ang Abril bilang Filipino Food Month.


📢 Where to Catch SBS Filipino

🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.

📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.

📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.

TJ Correa

Alam mo ba na tuwing Abril ay ginugunita ang Filipino Food Month? Hindi lang ito basta piyesta ng mga pagkain, kundi isang mahalagang pagkilala sa ating pamanang lahi. Noong ika-13 ng Abril 2018, nilagdaan ang Presidential Proclamation No. 469, na nagdedeklara sa buwan ng Abril bawat taon bilang Buwan ng Kalutong Pilipino o Filipino Food Month. Ayon sa batas, ang ating tradisyon sa pagluluto ay bahagi ng ating cultural heritage.

Layunin nito na siguruhin na ang mga heirloom recipes, o mga resipe na minana pa natin sa ating mga lolo, lola, at mga ninuno, ay hindi makalimutan at maipasa sa susunod na henerasyon. Bukod sa kultura, layunin din ng Filipino Food Month na suportahan ang mga lokal na magsasaka at mangingisda; sila ang bida sa likod ng mga sangkap.

Sa pamamagitan ng pagdiriwang na ito, hinihikayat ang bawat isa na tangkilikin ang sariling atin at pahalagahan ang pagkaing nagpakilala sa ating pagka-Pilipino. Pinamumunuan ito ng Department of Agriculture at ng National Commission for Culture and the Arts, kaya tuwing Abril, asahan ang mga food festivals, cooking demos, at mga exhibit na nagpapakita ng sarap at ganda ng pagkaing Pinoy at lutuing Pilipino mula Luzon, Visayas, hanggang Mindanao.

END OF TRANSCRIPT

Share

Follow SBS Filipino

Download our apps

Listen to our podcasts

Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS

SBS News in Filipino

Watch it onDemand

Watch now