Sa episode ng Bakit Australia?, Kilalanin si Agnes Cabe at paano niya napagtagumpayan ang homesickness, at naging aktibo siya para buhayin ang kultura at tradisyon ng mga Pilipino mula sa mga bata hanggang sa matatanda sa regional Queensland, Australia.
Key Points
- Halos 20 years na guro sa Pilipinas si Agnes Cabe, ngayon dekada na din siyang nagtuturo ng sayaw sa komunidad ng regional Queensland, Australia.
- Si Agnes ang kasalukuyang pangulo ng Filipino Communities Council in Australia, Inc (FILCCA) .
- Ang sariling mga anak ang una niyang mga estudyante sa pagsasayaw hanggang sa sila na mismo ay niyakap ang komunidad. Maliban sa pagtuturo ng sayaw gumagawa din siya ng mga events para sa maging buhay ang kulturang Pilipino sa Australia.


Share




