Ang buhay sa Christmas Island ay maaaring maging magastos, partikular kung pag-uusapan ang prutas at mga gulay. Ang lahat ng mga ito ay kailangang dalhin sa isla sa pamamagitan ng eruplano at ang mga paglipad ay kada dalawang linggo lamang, at ang isang piraso ng buong lettuce ay maaaring magkahalaga nang hanggang labing walong dolyar. Larawan: Pagtatrabaho sa mga Bukirin ng Christmas Island (SBS)
May sabi-sabi na hindi maaaring magpatubo ng pagkain sa iskalang pangkomersyo sa Christmas Island. Ngunit iyon ay pinatutunayang mali ng isang grupo ng mga espesyalitang pang-agrikultura at umaasang pangungunahan ang daan sa isang bagong komersyal na negosyo upang madagdagan ang limitadong ekonomiya ng isla.
Share




