Nagtipon ang komunidad Pilipino sa Brisbane para sa opisyal na paglulunsad ng Queensland Filipino Excellence Awards (QFEA) 2027
Key Points
- Nagsama-sama ang mga lider at miyembro ng komunidad sa Carina Leagues Club para sa isang gabi ng pagdiriwang sa mga inspirasyon at tagumpay ng mga Pilipino sa buong Queensland.
- Ibinahagi ni Rejoice Thomson (Pangulo, QFEA) na ang parangal ay pormal nang nagbubukas ng nominasyon sa iba't ibang larangan, tulad ng STEM, Kabataang Lider, Serbisyo sa Komunidad, Sining at Kultura, at Negosyo, upang ipagdiwang ang natatanging kontribusyon ng mga Filipino-Australian sa Queensland.
- Ibinahagi ni Fely Christensen (Miyembro ng QFEA Task Force) na ang tunay na kahusayan ay hindi lamang nasusukat sa titulo o yaman, kundi sa positibong epekto sa kapwa, pagtulong sa komunidad, pagsunod sa batas ng Australia, at pagpapanatili ng pusong Pilipino.
- Ibinahagi nina Xavier Villagonzalo at Connie Dacuna na ang tunay na tatak ng husay-Pilipino ay nakatuntong sa "Tatlong C" (Courage o tapang, Competence o kakayahan, at Character o magandang asal), pati na rin sa katatagan, pagiging maabilidad, kababaang-loob, at sipag sa pagtatrabaho.
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, YouTube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook, Instagram and YouTube
Share





