Payo ni Alan Lopez sa mga kabataang nangangarap maging 'animators,' “Gumuhit, gumuhit, gumuhit!”

Mr Alan Lopez

Senior Animator Mr Alan Lopez Source: Supplied by A. Lopez

Saan mo madadala ang iyong talento at pagmamahal sa pagguhit? Gaano kalayo ka dadalhin ng iyong imahinasyon?


Noong kanyang kabataan, si G Alan Lopez, ay labis na kinahiligan ang pagguhit, sa kanyang kwaderno at mga aklat. Siya ay interesado sa animasyon bagama’t wala sa kanyang loob ito noon. Matapos nito, nakapagtapos siya ng digri sa Fine Arts, at hindi inasahan na ang animasyon ang magiging karera na iginuhit ng mga tala para sa kanya.

Ang ‘Dumbo’ na animatikong pelikula ng produksyon ng ‘Walt Disney’ noong 1940s ay pinakauna sa kanyang listahan ng pinakapaboritong animatikong karakter at pelikula. Ang emosyonal na elemento ng istorya na tumutukoy sa walang hangganang pagmamahal ng ina sa kanyang anak ang nakakuha ng interes ni Alan sa pelikulang ito.

Ang senyor na ‘animator’ na bahagi na ng industriyang ito sa loob ng maraming taon, ay sinimulan ang kanyang karera bilang ‘in-betweener’ sa Pilipinas. Kanyang idinetalye ang isang prosesong ito: kakailanganin sa pinakauna ang mga ‘key drawings’ na base sa mga ‘lay-out’ at ‘storyboards’. Ang mga iginuhit na ito, na ginawa ng mga ‘animator’, ay ang pangunahing posisyon o ‘pose’ ng mga karakter – mula punto A hanggang punto B at iba pa – lahat ng nasa gitna na nakatuon sa pagkilos o paggalaw ng karakter ay inilikha ng ‘in-betweener’.
“Philippines is actually one of the go-to-places if you want to produce animation – international animation.”
Nakita ng mga sumunod na taon ang pagtaas ng posisyon ni Alan. Nakapagtrabaho siya sa iba’t ibang bansa na tulad ng Los Angeles, California at naging direktor ng animasyon sa Malaysia kung saan naging bahagi rin siya ng animatikong serye sa telebisyon na na-‘produce’  ni Gwen Stefani, ang ‘Kuu Kuu Harajaku’. Bukod dito, nakagawa rin si Alan ng proyekto para sa Disney, Warner Bros., DIC, Marvel at Saban. Kanyang hinawakan ang mga papel sa pag-aaral at pag-aapruba ng mga pangkarakter na disenyo at iskript at paggawa ng mga pagbabago sa ‘storyboard’ at animatiko para sa partikular na programa. Sa ngayon, siya ay nagtatrabaho sa isang independyenteng produksyon sa animasyon sa Sydney. Ang kanyang mga kamay ay nakatuon ngayon sa mga karakter ng popular na pangtelebisyong serye na, ‘The rise of the teenage mutant ninja turtles’.
Teenage Mutant Ninja Turtles
Pictured left-to-right: Raphael (cool, but rude), Donatello (does machines), Leonardo (leads), and Michaelangelo (party dude). Source: Supplied
Ayon kay Alan, ang animasyon ay bumabalik na sa Australya. Mayroong panahon noon kung kailan marami sa mga ‘animators’ ang nawalan ng trabaho matapos na ang istudyo sa Disney ay isinara sa bansa. Ngayon, ito ay bumabalik sa pamamagitan ng tradisyunal na animasyon na sinamahan ng ‘digital’ na mga kagamitan.

Sa pagkakaroon ng pribilehiyong makapagtrabaho sa iba’t ibang bansa, naniniwala si Alan na mas maraming magaling sa sining o mga ‘artists’ sa Pilipinas: “So many animations are being done in the Philippines and Philippines is one of the biggest sources of animation talents in the whole world.”
“I’m actually proud of all my works, even those that did not become popular. If I wouldn’t have done those, I would not be where I am right now.”
Kanyang idinagdag na maraming mga istudyo sa buong mundo ang tinitingnan ang Pilipinas na mapagkukunan ng mga talento para sa animasyon. Sa ngayon, marami sa mga ‘animators’ na nagtatrabaho para sa kanila ay nagtatrabaho sa labas ng bansa, sa Maynila. “Philippines is actually one of the go-to-places if you want to produce animation – international animation.”

Kinilala rin ni Alan ang talento ng mga Australyano at ipinahayag kung gaano kalaki ang kanyang pagkamangha sa galing sa animasyon ng mga nakababatang henerasyon. Siya ay natututo sa kanila at sila rin ay natututo sa kanya.

Ito ang payo ng ekspertong ‘animator’ sa mga batang nais sundin ang kanyang yapak, “The best thing they can do is to watch cartoons, learn from it [and] draw a lot. Drawing is a big part of animation; I don’t know any animator out there who cannot draw. Draw, draw, draw!”

Sa pagiging bahagi ng industriya sa loob ng higit sa dalawampung taon at pagtamo para sa kanyang sarili ng respeto sa industriya ng animasyon, ibinahagi ni Alan kung gaano niya pinagmamalaki ang kanyang trabaho: “I’m actually proud of all my works, even those that did not become popular. If I wouldn’t have done those, I would not be where I am right now.”


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand