Key Points
- Ang National Basketball Training Center (NBTC) 2024 Tournament ay gaganapin sa Maynila, mula Marso 13 hanggang 24.
- Bagaman mahalaga ang kasanayan sa dribbling, shooting, at pagpasa ng bola, ang lakas at kondisyon ng katawan ay kailangan ng manlalaro para mapataas ang kanilang potensyal at maiwasan ang injury.
- Ibinahagi ng basketball coach na si Ernie Camacho na dapat bigyang-pansin ang pahinga ng manlalaro upang maiwasan ang burnout mula sa sobrang pagsasanay.
Ang NBTC ay isang programa ng Samahang Basketbol ng Pilipinas Inc. na layuning makilala at paunlarin ang mga batang manlalaro. Nagsimula ito bilang isang programa ng pagsasanay para sa mga pambansang koponan ng Pilipinas at ngayon ay kasama na rin ang NBTC League, na nagtatampok ng mga pangunahing koponan ng high school sa buong bansa at maging sa internasyonal mula noong 2016.


Bilang kinatawan ng Homegrown Basketball Australia, ang mga Fil-Aussie teams, kabilang ang 14U, 16U, 19U, at koponan ng mga babae, ay makikipaglaban sa mga pangunahing basketball team mula sa iba't ibang bansa.

Sa isang panayam, ibinahagi ni Mitchell Camacho, manlalaro at forward ng U14 Victoria team, kasama ang kanyang ama na isa ring coach, na si Ernie Camacho, ang kanilang paghahanda para sa torneo sa Maynila.
Sa podcast na ito, tinalakay namin ang kahalagahan ng pagpapalakas at pagkondisyon ng katawan para sa mga batang manlalaro ng basketball at ang mga ideya sa epektibong pamamaraan sa pagsasanay.




