Amang namayapa, binuhay ang alaala sa paggawa ng parol ngayong Pasko

mendiola parol ni tatay.jpg

Ang gawang parol ni Tatay Vivencio Mendiola habang nakabakasyon dito sa Australia. Source: Marifi Mendiola-Sumagaysay

Paggawa ng parol ngayong Pasko ay paraan ng isang pamilya sa Sydney para alalahanin ang buhay ng kanilang namayapang mahal sa buhay.


Key Points
  • Handyman sa Pilipinas ang ama ni Marifi Mendiola-Sumagaysay na sya ring nagturo para gumawa ng parol tuwing pasko.
  • Walang nangyaring selebrasyon ng Pasko sa nakaraang taon ang pamilyang Mendiola matapos pumanaw ang ama noong 2021.
  • Ang Parol o Christmas lantern ay bahagi ng tradisyon ng mga Pilipino na na-impluwensya ng mga Espanyol.
Tumamlay ang Pasko ng pamilya ni Marifi Mendiola-Sumagaysay dito sa Sydney taong 2021. Pumanaw kasi ang kanyang ama kaya wala silang ganang magdiwang, pati ang mga kaanak na naiwan sa Pilipinas.

Ngunit nitong taong 2022, mismong ang accountant na si Marifi ang gumawa ng paraan para muling buhayin ang kanilang Pasko, bilang pagbibigay-pugay sa namayapang ama na si Vivencio Mendiola.

"Hindi kami nagdiwang ng Pasko noong nakarang taon, pero ngayon sabi ko bilang tribute gagawa ako ng parol para alalahanin ang taong nagturo sa akin na gumawa ng parol, " kwento ni Marifi.

mendiola parol 3.png
Parol na ginawa ni Marifi Mendiola-Sumaaysay bilang pagbibigay-pugay sa amang namayapa, na siya ding nagturo sa kanyang gumawa ng parol. Source: Marifi Mendiola-Sumagaysay
Gawa sa recycled materials ang kanyang parol, pundasyon nito ay bakal mula sa patapong shoe rack ng pamilya, nakita nila ito habang nag-spring cleaning.

Alala pa nito noong bata pa si Marifi, dahil handyman ang kanyang tatay Vivencio napapalibutan ng parol ang kanilang bahay sa San Pedro Laguna tuwing pasko.

“Si tatay every Christmas mahilig gumawa ng parol materials nya kawayan, papel de hapon at glue ako ang katulong sa paggawa ng parol, kaya ang buong bahay namin ay napapalibutan ng parol.”

mendiola family with oldies.jpg
Ang pagsasalu-salo ng pamilyang Mendiola tuwing Pasko. Source: Marifi Mendiola-Sumagaysay
Dahil karamihan sa mga kapatid ni Marifi ay nandito na sa Australia, at nataong nakabakasyon ang mga magulang kasama nila kwento niya gumagawa ng paraan ang ama makagawa lang ng parol dito sa Australia.

“Gumawa si Tatay ng parol, dahil walang kawayan ang bote ng softdrinks ang ginawa niyang body at nilagyan ng buntot, gusto kasi nya masaya lang ang Pasko naming magpapamilya. “

Kwento ni Marifi hindi nila makakalimutan ang masayang alala na iniwan ng ama kahit pa noong bata pa ang mga ito.

“Factory worker si Tatay, pero kapag weekends at bagong sahod kasama niya kami manood ang sine, kumain at kahit mga school activities, andun talaga silang dalawa ni Nanay. “

Dagdag pa ni Marifi, dahil kahit noon pa man ipinamulat ng kanilang mga magulang ang pagsunod sa tradisyon ng mga Pilipino lalo na sa pagdiriwang ng pasko.

marifi mendiola family photo kids hubby.jpg
Ang pasko ni Marifi kasama ang buong pamilya. Source: Marifi Mendiola-Sumagaysay
Kaya ngayong nandito na sa ibang bansa, at may sarili na ding pamilya nangangako itong ipapasa sa mga anak at sa susunod na henerasyon ang nakagawiang tradisyon gaya ng pagsisimba at pagsasama-sama ng pamilya tuwing Pasko.

At higit sa lahat ang pagpapalaganap ng tunay na diwa ng Pasko ang pagbibigayan at pagmamahalan.

"Sinasabi ko sa mga anak ko huwag ninyong kalimutan ang ating mga pamilya sa Pilipinas, give whenever you can. Kasi ganun din kami pinalaki ni Tatay."

Kaya ngayong Pasko napagtanto ni Marifi nawala man ang haligi ng tahanan ng pamilyang Mendiola, naisapuso at baon naman nila ang masayang alala at turo ng ama.

“This year, nagdecorate kami sa bahay at gumawa ako ng parol. Ramdam pa din naming yong presence nya through the parol. Ang parol kasi ang naging guide ng wise men kaya para sa akin, si Tatay parang andyan lang dahil sa parol, ramdam pa din namin ang presence niya."

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand