Ang libro, na inilunsad sa unang bahagi ng taong ito, ay isang inspirasyon mula sa mga kuwento ng mga kababaihan na iniwan ang kanilang tahanan upang maghanap-buhay sa ibang bansa upang matugunan ang pangangailangan ng kanilang mga iniwang pamilya.
Isinulat ng Pilipino-Amerikanong si Giovanni Ortega, "Ang Gitano," ay isang koleksyon ng mga tula, sulat at mga maiikling kuwento na layuning isalarawan kung paano ang dinadanas ng mga magulang, lalo na ng mga kababaihan, kapag kanilang iniwan ang kanilang pamilya, nag-trabaho sa ibang bansa at sa paghahanap ng katatagan sa pananalapi, ay dumaranas ng kalungkutan sa pangungulila sa kanilang mga naiwang pamilya.
Higit pang detalye tungkol sa libro sa panayam kay Giovanni Ortega.
Panoorin ang bidyo sa ilalim at pakinggan si Giovanni sa kanyang pagbabasa ng bahagi ng kanyang libro.

Giovanni Ortega's "Ang Gitano" (SBS Filipino) Source: SBS Filipino