Anika Jovi McCarthy binisita ang kanyang pinanggalingan sa Pilipinas

Binibining Pilipinas Australia

Binibining Pilipinas Australia 2017 Anika Jovi McCarthy revisiting her roots in the Philippines Source: Supplied

Napanalunan ni Bb. Anika Jovi McCarthy ang korona ng Binibining Pilipinas-Australya 2017, isang patimpalak na inorganisa ng Filipino-Australian Foundation of Queensland Inc. (FAFQ Inc.) na pinamumunuan ni G. Mauro Somodio.


Isa sa mga layunin ng patimpalak ay ang ikonekta ang mga batang Australyano, na ipinanganak at ipinalaki ng mga Pilipinong migranteng magulang, sa Pilipinas. Ang ‘revisiting the roots program’ ay binibigyang pagkakataon ang mga nanalo na papagtibayin pa ang kanilang ugnayan at mas matutuhan ang kultura ng bansang pinanggalingan ng kanilang mga magulang.

Ito ang nararanasan ngayon ni McCarthy simula ng manalo siya ng korona. Ang tatlong-linggong pananatili ng batang ‘beauty queen’ sa Pilipinas ay nagpahintulot sa kanya na masaksihan ang ganda ng iba’t ibang isla sa Pilipinas at gugulin ang kanyang mga oras kasama ang kanyang mga pinsan.

Ang mga kawanggawang gawain ay nakatulong din kay McCarthy para mas maging makahulugan ang kanyang pagbisita.

“We awarded eighteen Grade 6 kids in Aklan and also a bunch of university students at Central Philippine University in Iloilo city and that was a really cool experience. We got to stay afterwards and meet a lot of them, talk with them and have food with them. It was awesome to see that not only their lives are impacted but also the lives of their family,” ibinahagi ni McCarthy.

Dumalo rin ang batang ‘beauty queen’ sa ‘Dinagyang Festival’ sa Iloilo noong nakaraang Enero. Naging isa ito sa mga karanasang hindi niya malilimutan dahil labis siyang nasiyahang maranasan at makita ang ang buhay na buhay na musika, magarbong kasuotan at mga koreograpiang buhat sa mga kuwento.

Nang siya ay tanungin hinggil sa pinakamahalagang aral na kanyang natutunan sa buong karanasan niyang ito, ibinahagi ni McCarthy, “to be completely humbled with everything that I have like even if things might be tough at the moment, there are plenty of people facing greater challenges everyday and meeting some of those people and witnessing how positive they are about everything was just so inspiring and it really made me want to strive to be happy with who I am and the life that I’m just so lucky to live.”

Anu-ano ang mga paborito niyang isla sa Pilipinas? Paano makakasali sa Bb. Pilipinas-Australya 2018? Alamin ang mga ito sa ating panayam.

Anika Jovi McCarthy
Anika Jovi McCarthy performs a dance at one of the schools she visited in Iloilo (Supplied) Source: Supplied
Anika Jovi McCarthy
Binibining Pilipinas Australia 2017 Anika Jovi McCarthy (Supplied) Source: Supplied
Anika Jovi McCarthy
During the finals and crowning of the Binibining Pilipinas Australia 2017 (Supplied) Source: Supplied

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand