Key Points
- May iba't ibang uri ng batas na namamahala sa Australia, ito ay ang statute law na ginagawa ng parliyamento, delegated law na ginagawa ng gobyerno, at common law na ginagawa ng mga korte.
- Ang legal system ng Australia ay may dalawang magkatulad na hanay ng panukalang batas at korte, ito ay nagpapakita ng katotohanang ang Commonwealth of Australia ay isang pederasyon ng mga estado at teritoryo.
- Mayroong iba't ibang opsyon para sa pag-access ng legal advice at suporta, anuman ang iyong kalagayang pinansyal.
Ang legal system ng Australia ay binubuo ng iba't ibang mga indibidwal at institusyon. Sa kabila ng kanilang magkakaibang tungkulin at antas o hierarchy, lahat sila ay nagtutulungan upang mapanatili ang pundasyon ng legal system: ang rule of law.
“The rule of law means that the law applies equally to all people, it is applied by impartial, independent courts and… is passed in a procedural way,” paliwanag ni William Partlett, ang Associate Professor ng University of Melbourne Law School.

Ang Parliament procedures para sa paglikha ng batas sa parehong antas ng Commonwealth at estado ay nakasaad sa fundamental legal document, ito ay ang Konstitusyon.
Ang mga batas na ipinasa ng parliyamento, na kilala bilang Acts of Parliament, ay tinatawag na 'statute law'. Bukod dito, ang mga batas na nililikha sa pamamagitan ng mga interpretasyon ng hukuman ay tinatawag na 'case law'.

Mayroon ding 'delegated,' o subordinate, na panuklang batas na ginagawa ng executive government.
Halimbawa, ang mga Ministers ay gumagawa ng mga batas sa anyo ng mga regulasyon sa ilalim ng awtoridad ng isang Act of Parliament.
Federal at state laws at korte
Sa Australia, ang ilang mga batas ay ipinapatupad sa buong bansa, habang ang iba ay magkakaiba sa bawat hurisdiksyon.
Karaniwang halimbawa ng batas na nagbabago depende sa iyong estado o teritoryo ay ang mga batas trapiko sa mga kalsada.

Ang federal system ng Australia ay makikita rin sa court structures nito , kung saan ang High Court ang nagsisilbing ultimate forum of appeal sa lahat ng antas o lebel.
Pagdating sa criminal law, karamihan sa mga usapin ay tinatalakay sa estado o teritoryo.
Ganun din ang legal proceedings ng mga criminal cases na karaniwang sinisimulan sa estado. Pero hindi ganito ang civil case, na kinasasangkutan ng mga alitan sa pagitan ng mga indibidwal at organisasyon, tulad ng mga alitan sa ari-arian, breach of contract, at worker’s compensation cases.

Pag-access ng legal assistance
Hindi tulad ng mga civil cases, ang mga kasong kriminal ay binibigyang prayoridad sa mga government-subsidised legal assistance services, kabilang ang mga Legal Aid Commission sa bawat hurisdiksyon at mga Commonwealth legal financial assistance schemes.
Kung nangangailangan ng legal representation o abogado sa kanyang kaso ngunit hindi kayang magbayad at hindi din eligible para sa government-funded programs ay maaaring maghanap ng mga abogado sa kanilang lugar na nagbibigay ng pro bono assistance.
Sa anumang kaso, kapag kumukuha ng legal practitioner mainam na tiyakin ang bisa ng kanyang mga credentials.

Ang isang pang opsyon ay ang community legal centre, kabilang dito ang Women’s Legal Services sa bawat estado at teritoryo, na nag-specialise sa pagbibigay ng legal support para mga kaso ng family violence.

Sa mga maliliit na kasong kriminal o sibil, tulad ng kapag kinukuwestiyon ang isang multa sa korte o para sa mga alitan na may mas maliit na halaga ng pera, maaaring piliin ng mga tao na humarap sa korte na walang abogado at kakatawan sa kanilang sarili.
Huling payo ng mga eksperto na palaging kumuha ng legal advice, lalo na kung hindi ka pamilyar sa legal system ng Australia.
“But I would always encourage people to get some advice before dealing with the matter by themselves or going to court.”
Iba't ibang serbisyong pinondohan ng gobyerno ang maaaring makatulong sa mga tao na may mga isyu sa batas.
Bisitahin ang ag.gov.au/legal-system/legal-assistance-services para sa komprehensibong listahan ng mga tagapagbigay ng legal na tulong, kabilang ang mga Legal Aid commissions at mga specialist domestic violence legal services.




