Makakatulong ang regular na breast screening na matukoy ang kanser sa suso nang maaga, bago pa man magkaroon ng anumang senyales o sintomas. Alamin kung bakit hindi dapat ikabahala ang pagpapasuri at kung paano ito makatutulong sa mas maagang pagtuklas at mas magandang resulta ng paggamot.
Key Points
- Ang isang 20-minutong breast screening kada dalawang taon ay maaaring makatulong sa maagang pagtuklas ng kanser sa suso at makapagligtas ng buhay.
- Ang mga kababaihang edad 50 hanggang 74 ay inaanyayahang magpa-book ng libreng breast screening tuwing ikalawang taon.
- Bukas din ang programa para sa mga kababaihan, transgender at gender-diverse na indibidwal, gayundin sa mga Aboriginal at Torres Strait Islander mula edad 40 pataas.
- May mga serbisyong suporta sa iba't ibang wika para sa mga migranteng komunidad, at tinitiyak ng mga klinika ang paggalang sa pribasiya, dignidad, at kaginhawahan ng bawat pasyente.
Paano magpa-book ng breast screening
Maaaring tumawag sa 13 20 50 saan mang panig ng Australia upang makakonekta sa BreastScreen website service sa inyong estado o teritoryo. Dito maaari ninyong alamin kung kayo ay kwalipikado at magpa-book ng libreng breast screening.
Mag-subscribe o i-follow ang Australia Explained podcast para sa mas marami pang kapaki-pakinabang na impormasyon at mga tip na makatutulong sa inyong pag-aangkop at paninirahan sa Australia.
Mayroon ba kayong mga katanungan o mga paksang nais ninyong talakayin? Ipadala sa email australiaexplained@sbs.com.au
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.





