Ano ang masamang dulot ng vaping o e-cigarettes sa kalusugan ng tao?

Young female smoking electronic cigarette

A young woman smoking an electronic cigarette Source: Moment RF / Getty Images

Oktubre 2021 ipinagbabawal ang pagbebenta ng e-cigarettes na may nicotine na walang tamang permiso mula sa doktor. Lumabas din sa pag-aaral karamihan sa kliyente ng e-cigarettes ay kabataan.


Key Points
  • Karamihan sa mga gumagamit ng e-cigaretters ay nasa edad 18 hanggang 24 taong gulang.
  • Ang e-cigarettes ay nakaka-adik gamitin
  • Mga Australians hinihikayat ang pederal na gobyerno na sugpuin at parusahan ang mga illegal na nagbebenta ng e-cigarettes na may nicotine
Sa panayam ng SBS Filipino kay Megan Varlow ang direktor ng Cancer Control Policy ng Cancer Council, dinisenyo ang e-cigarette para makuha ang loob ng publiko para gumamit kaya hindi ito madaling iwan.

"So they're made in a way that's attractive, they're marketed and made in flavours, and designs that are interesting and engaging for younger people."

Filipina Sonja.jpg
Naniniwala si Sonja na dahil sa determinasyon at suporta ng pamilya, mas mabilis nyang natutunan na iwanan ang paninigarilyo. Source: Sonja
Pinatunayan ito ng kasalukuyang temporary resident na si Sonja. Ayon sa dalaga nagsimula siyang humithit ng sigarilyo at e-cigarette noong high school at lumala noong makapagtrabaho.

"High school life dito na nagsimula ang mga gala, pero ang pagyoyosi patago pa, mas lumakas ang loob ko nung nagtrabaho na kasi kaya ko ng bilhin sigarilyo at e-cigarette."

Ang pagtigil sa bisyo

Taong 2019 dumating sa Australia si Sonja, dahil bago sa lugar nawalan ng lakas ng loob na ituloy ang bisyo.

At may sakit din ang kaanak nito sa bahay bawal ang sigarilyo o e-cigarette.

"Sa totoo, hindi madaling tumigil pero napatunayan ko it is all in the mind, kailangan lang strong-willed ka", saad ng dalaga.


Naisip din nito na walang magandang naidulot ang kanyang bisyo, lalo't mahal ang e-cigarette at sigarilyo dito.

"Mahirap kumita ng pera dito sa Australia tapos mauubos lang dun, mas mainam itigil ko na. Sa mga tulad kong bata pa, tumigil na kayo baka sa huli magsisi kayo," pahabol na payo ng dalaga.

Teenagers karaniwang gumagamit ng e-cigarettes

Sinabi ni Dr Sarah White, ang direktor ng Quit Victoria,  sa SBS News karamihan sa mga gumagamit ng e-cigarette ay mga kabataan mula sa edad 18-24 taong gulang.

"That worries us greatly because that 18-24-years old age group actually has very low smoking rates. And when you see three-quarters of that group saying e-cigarettes are highly addictive we know that they're reflecting on the issues that are being experienced by other people in their age group who are vaping."

Ang e-cigarettes ay unang isinapublko para tulungan  lalo na silang gusto ng tumigil sa paninigarilyo.

Subalit napag-alaman na ang mga tao ay maaaring malulong dito.

Masamang dulot ng e-cigarettes o vaping

Babala ni  Dr White, ang paniniwalang mas hindi mapanganib ang e-cigarettes kaysa sa regular na sigarilyo ay hindi totoo.
Dahil ang usok na lumalabas sa e-cigarette ay aerosol.

Masamang epekto ng aerosol sa e-cigarette sa katawan ng tao:
  • Ubo
  • Pagkahilo
  • Pananakit ng ulo
  • Hirap huminga
  • Palaging inaantok
  • Heart palpitations o mabilis na pagtibok ng puso

Malalang epekto ng earosol na makikita sa e-cigarettes:
  • Nicotine addiction
  • Sakit sa baga
  • Seizures
  • Pneumonia
  • Popcorn lung
  • Stroke
  • Atake sa puso
Hiling ng mga eksperto sa gobyerno i-regulate ang pagpasok ng e-cigarette sa bansa.

Simula Oktubre 2021 ipinagbabawal ang pagbebenta ng e-cigarettes na may nicotine kapag walang permiso ng doktor.



Disclaimer: Ang mga impormasyon sa ulat na ito ay gabay lamang. Para sa karagdagang payo na naaayon sa iyong problema o sitwasyon, mainam na kumonsulta sa inyong doktor . 

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand