Key Points
- May ilang Australian visa application na kinakailangan ang health requirement dahil mataas ang standard sa kalusugan ng bansa.
- Ito ay para maprotektahan ang pampublikong kalusugan at mga panganib na kaakibat.
- Isa din sa tinitingnan ng gobyerno kung gaano kalaking halaga ang magagastos sa sakit ng isang aplikante.
Ang podcast series na 'Trabaho, Visa, atbp.' ay tinatalakay ang mga isyu at impormasyon sa migrasyon tuwing Huwebes sa SBS Filipino.
Sa panayam ng SBS Filipino, ibinahagi ng Immigration Lawyer mula sa Perth na si Peter Buenaventura ang mga karaniwang medikal na kondisyon na sanhi ng visa refusal at kung bakit kailangan pumasa sa mga health requirement ang mga aplikante.

Paunawa: Ang pangkalahatang paliwanag at impormasyon ay gabay lamang. Para sa dagdag na impormasyon at payo na naayon sa iyong problema o sitwasyon, kumonsulta sa isang abogado o registered migration agent sa Australia.





