Key Points
- Nangunguna ang healthcare sector gaya ng nursing sa pinakapopular na kurso para sa mga international student.
- Dapat maintindihan ng mga international student na magkaiba ang education agent at migration agent at dapat masiguro na lehitimo ang mga ito ayon sa education expert.
- Dagdag nitong malaking bagay na malaman ng mga aplikante ang buhay, gastos, kultura at pamumuhay sa Australia.
Sa naging panayam ng SBS Filipino, ipinaliwanag ng dating Philippine Honorary Consul to Melbourne at Philippine Australia Committee on Education Co-Founder Raul Hernandez kung ano ang mga dapat na malaman at maintindihan ng bago magdesisyon na mag-apply ng student visa sa Australia.
Marami anyang mga dapat ikunsidera gaya ng cost of living sa bansa, paraan ng pamumuhay, matitirahan, kultura at iba pa.
Tinalakay din ni Ginoong Hernandez na dapat siguraduhing lehitimo ang mga education agent na kanilang makakausap bago pumasok sa transaksyon.

SBS Filipino interviews Philippine Australia Committee on Education Co-Founder Raul Hernandez.