Key Points
- Aabot sa mahigit 12,000 ang alokasyon na visa slots para sa New South Wales para sa 2022-2023 intake.
- Simula 2022, pinalawig ang mga sektor na target ng estado mula sa iba’t ibang industriya na may kakulangan kabilang ang health, hospitality, ICT at education.
- Ilan sa mga nagdagdag sa listahan ng skilled occupation ng NSW ay ang Café and Restaurant Manager, Graphic Designer, IT Support Technician, Librarian, Journalist, Architect at Interior Designer.
Gaya ng iba't ibang estado at teritoryo sa Australya, bukas na din ang New South Wales Migration Program.
Ayon sa Principal Lawyer ng No Borders Law Group na si Atty. Mark Jeffrey Abalos, ang programa na ito ay points tested na invitation process na papayagan ang NSW na mag-nomina ng mga skilled worker para sa permanenteng visa kung saan makakapanirahan at makakapagtrabaho ang indibidwal sa nasabing estado.
Pakinggan ang kabuuang detalye ng mga bagong panuntunan, oportunidad at proseso sa podcast na 'Trabaho, Visa, atbp.'

How to listen to this podcast Source: SBS