Key Points
- Stroke ang pinaka nangungunang sanhi ng pagkamatay at kapansanan sa bansa kung saan aabot sa 770,000 na Australians ang namumuhay ng may matinding naging epekto.
- Ang National Stroke Week ay ginugunita ngayong 8 August hanggang 14 August at nais ng mga otoridad na magkaroon ng kamalayan ang mga mamamayan sa mga senyales at sintomas nito.
- Maraming risk factors ang stroke para sa ilan gaya ng high blood pressure and cholesterol, pagkakaroon ng type 2 diabetes, paninigarilyo, sobrang pag-inom ng alak, kakulangan ng pisikal na aktibidad at hindi pagkain ng tama.
Hinihikayat ng Stroke Foundation ang mga mamamayan na ibahagi ang mensaheng tinaguriang F-A-S-T upang malaman ang mga sintomas ng stroke.
F ay kumakatawan sa face o mukha
Kung ang isang indibiwal ay may tumabingi o lumaylay sa bahagi ng mukha, maaring ito ay senyales ng stroke.
A ay arms o braso
Tanungin ang indibiwal kung kaya nitong iangat ang kanyang braso. Kung isa lamang ang kaya nitong iangat, posibleng ito ay nakakaranas ng stroke.
S ay speech o pananalita
Kung hirap sa pagsasalita ng indibidwal at hindi na maintindihan, maaring ito ay senyales ng stroke.
T ay time o panahon
Ang stroke ay isang medical emergency kay mabuting tumawag sa 000 upang madala agad sa ospital ang biktima.




